May apoy ang mga sinaunang-tao. May eroplano ang Wright brothers. May post-it notes si Arthur Fry. At may Subo food bottle naman si Glen Mayer.
Habang sa iba't ibang panahon at para sa iba't ibang dahilan ginawa ang mga imbensyon na ito, lahat sila ay nabuo at pinatotohanan dahil sa pangangailangan.
Pinanganak mula sa isang Pilipinong ina at Canadian na ama, kinailangan ni Glen Mayer maghanap ng paraan upang mapakain ang kanyang tatlong anak ng walang kalat. At para sa kahit sino mang magulang, isa ito sa pinakamahirap gawin.
“We tried the reusable squeeze [food] pouches, and we’d give that to the children," saad ni Mr Mayer sa kanyang kakaibang Canadian-Australian mixed accent, "[They were] wasteful and they were messy by the time they finished. So we thought, why not come up with a non-squeeze pouch?”
At ginawa nga nila ito.
Nag-imbento si Mr Mayer at ang kanyang asawang si Julie-Anne ng food bottle na gumagana sa pamamagitan ng suction imbis na sa pagpisil. Kapag humigop ang bata, umaakyat ang pagkain dahil sa isang platform sa loob ng bote. Dahil dito, kontrolado ng bata ang dami ng pagkaing pumapasok sa kanyang bibig.

Subo allows for mess-free independent feeding. Source: Glen Mayer
“[Lugaw] would be perfect for [it],” aniya.
Ang ideya para sa bote ay nagmula sa kanyang karanasan bilang ama, habang ang pangalan ay nagmula sa karanasan niya bilang anak.
“One of my earliest memories was my mum feeding me as a toddler, and she would repeat the word ‘subo’ [or ‘eat’]. She would just repeat it over and over.”
Ang salitang ‘subo’ ang nag-udyok sa batang Glen Mayer na kumain, habang ito rin ang nag-udyok sa kanyang gumawa ng isang kakaibang food bottle na binebenta na niya ngayon online, in-store at sa mga baby expo.

Glen Mayer as a toddler, and his mum Source: Glen Mayer
“It’s fantastic,” saad niya, “Every time we do an expo…I can see people sort of walk by and they look like they may have Filipino heritage. They look at the sign…I see them mouthing the word ‘subo’ and looking at me and making the connection.”
At pagdating sa pagkakaroon ng koneksyon, isa sa pinakamabilis na koneksyong nabuo ng mga Mayers ay ang relasyon nila kay tech entrepreneur at Shark na si Steve Baxter.
Mga tagahanga ng Shark Tank ang mag-asawa, ngunit kabado sila sa public speaking. Ngunit dahil mabilis na nag-bid si Mr Baxter, mabilis din silang kumalma. Nagulat ang ibang sharks na ang madalas na masungit na Mr Baxter ay biglang natuwa at bilis-bilisang nag-alok ng $120,000 para sa 12% stake na kanilang negosyo.
Dalawang araw pagkatapos ng shooting, tumawag agad si Mr Baxter sa mag-asawa. Mula noon, malaki na ang tulong na naibibigay niya sa dalawa.

Glen and Julie-Anne Mayer on Shark Tank Source: Glen Mayer
“His daughters use the product. So whenever they’re in Steve’s office, they always have a Subo in hand,” saad ni Mr Mayer.
Habang tagahanga ng Subo ang mga anak ni Mr Baxter, ayon kay Mr Mayer, ang kanyang mga anak naman ay ang kanilang "R and D [research and development] team".
Ayon sa kanya, family business ang Subo, at gaya ng karamihan sa mga family business, mahalaga ang teamwork ng bawat miyembro. Naalala pa ni Mr Mayer ang hirap ng kanilang pinagdaanan ng simulan nila ang negosyo. Sa ngayon, full-time na nagtatrabaho si Julie-Anne, habang nakatutok naman si Mr Mayer sa kompanya nila.

The Mayer family Source: Glen Mayer
Para sa mga may ideya na gusto nilang patotohanan, ito lang ang payo ni Mr Mayer: "Go for it."
Sa bagay, gaya ng apoy, eroplano, post-it notes at food bottles, maaring kailanganin din ito ng mundo.
BASAHIN DIN
READ MORE

Ang pag-angat ni Chef Ross Magnaye