Ayon sa lider ng oposisyon na si Bill Shorten, dadagdagan ng Labor ang early childcare subsidies ng 15 na oras kada linggo ang mga tatlong-taong-gulang na mga bata at ang kanilang mga pamilya kung mananalo ang partido nila sa susunod na eleksyon.
Nangangako si Mr Shorten na ang pagbabagong itong nangangahalagang $1.75 na bilyon sa apat na taon, upang magkaraoon ng “reimagining [of] childcare” bilang “early childhood education”.
Kahit mahigit 90 na porsyento ang enrolment ng mga apat-na-taong-gulang sa preschool, ang enrolment para sa mga tatlong-taong-gulang ay “well below the OECD average”.
“We need to give all three-year-olds and four-year-olds in Australia the best jump start to going into school,” sinabi niya sa ABC News bago ang kanyang nakatakdang paglalahad ng polisiya sa Melbourne.
“All the educational experts have made it very clear that a little child's development up to the age of five is very important.”
“So Labor believes in investing in the learning and educational outcomes of 3 and 4-year-olds. It will help parents with the cost of paying for preschool and I think it will really, really make a massive change.”
Wala pang sagot ang pamahalaang Morrison sa anunsyo ni Mr Shorten.
Sa ilalim ng pamumuno noon ni Malcolm Turnbull, nagkaroon ng reporma sa mga bayarin sa childcare. Tinanggal ang mga iba't ibang subsidies upang gumawa ng iisang means-tested na pagbabayad.
Nakasaad sa polisiya ng Labor na ninanais nila na 90 porsyento ng mga tatlong-taong-gulang sa Australya ay naka-enrol sa programa pagdating ng 2023.
Ng tanungin ko papaano popondohan ang polisiya, saad ni Mr Shorten na mayroon silang plano pagdating sa reporma ng buwis kung saan tataas ang kita mula sa buwis sa mga trusts at property sale profits.
BASAHIN DIN
Follow SBS Filipino on Facebook
