Settlement Guide: Dapat bang magpatayo o bumili ng itinatag na bahay?

May magkaibang pakinabang ang parehong opsyon kaya tinanong natin ang opinyon ng mga eksperto sa propyedad.

Moving boxes surrounding family relaxing on sofa

Moving boxes surrounding family relaxing on sofa Source: Getty Images

Maraming katanungan tungkol sa pagbili ng bahay. Ang unang dapat sagutin ay kung bibili ng itinatag na bahay o magpatayo ng bago.

Tingnan natin ang parehong opsyon kung ano ang ankop para sa iyo.

Pagpapatayo ng isang bagong bahay

Ang pinakamalaking benepisyo ng pagpapatayo ng bagong bahay ay maaari mo itong i-customise ayon sa gusto at badyet. Maaaring piliin ang kulay, materyales, gamit, atbp. Pinakamahalaga sa lahat ay makakapag-desisyon ka sa ayos at laki ng mga kwarto. 

 
paints_0.jpg?itok=CqWsc9o2&mtime=1551750894

Ngunit maaaring hindi ito para sa lahat. Maraming desisyon ang dapat gawin ukol dito sa maliit na halaga ng oras.

"Some clients find it very hard to visualise something. They find it very hard to go 'What would this type of house look like on my block of land?'. They will go to display homes and look at stuff online and pictures in magazines and all that kind of stuff, but they still find it sort of challenging to be able to visualise how all it will all fit in and what choices to make," sabi ng Blackk founder at mortgage broker na si Victor Kalinowski.

Isa din sa pakinabang ng mga bagong bahay ay kung gaano sila kahusay sa kuryente. “It will cost less to heat and cool. Repair bills are generally lower for new homes because things are relatively new,” sabi ng property lecturer at author na si Peter Koulizos.
New Home construction in growing subdivision
New Home construction in growing subdivision. MORE LIKE THIS... in lightboxes below! Source: Getty Images

Mayroon din mga pinansyal na insentibo kapag nagpatayo ng bahay tulad ng mas mababang stamp duty at First Home Owner Grant.

Ngunit ang lokasyon ay maaaring maging isyu. Upang makapagpatayo, dapat ay bakante ang lote at ito ay karaniwan malayo sa sentro ng siyudad. Maaari din wala masyadong pasilidad tulad ng paaralan, pampublikong transportasyon, ospital at mga shopping centre na malapit.

Isa pa sa desbentaha ay kung gaano katagal ang proseso. Tatagal ng ilang mga buwan bago ka makalipat. Kung nais makatira agad sa bahay, maaaring hindi ito ang pinakamahusay na opsyon para sa iyo.

Pagbili ng itinatag na bahay

Isa sa pangunahing pakinabang ng pagbili ng itinatag na bahay ay mas madali ang proseso. Makikita mo agad ang natapos na produkto at makakapagdesisyon kung okay ba o hindi para sa iyo. Mas mabilis ang proseso at makakalipat na agad pagkatapos itong mabili.

 
for_sale.jpg?itok=oRCn2Kom&mtime=1551750691

Ngunit maaaring mas mahirap maghanap ng eksaktong ayos na gusto mo, lalo na kung naghahanap ng malaking bahay na may maraming kwarto.

Kung nais tumira sa isang lugar na malapit sa siyudad, ang isang nakatayong bahay ay ang nag-iisang opsyon.

“You know what the surrounding facilities and other homes are like. You know where the community centre is, where the places of worships are, where the shopping centres are. When you buy in a new estate, you don't know. Just because the developer says this is a proposed gymnasium or recreation hall, it doesn't mean that that's what's going to be erected there. Because if the developers fall on hard time, they might decide to do something else with that particular block of land," paliwanang ni Koulizos.

Tantiyahin at ihambing ang mga gastos

Sa kabila ng pag-impok ng pera para sa stamp duty at First Home Owner Grant, hindi ibig sabihin na ang pagpapagawa ng bagong bahay ay mura.

 
business-meeting-1238188_1280.jpg?itok=taY2hRXZ&mtime=1551750597

Dapat ay tantiyahin at ihambing ang gastos sa pagitan ng pagpapatayo ng bago o pagbili ng itinatag na bahay bago magdesisyon. Mag-isip ng maaga at isama ang gastos tulad ng pagpapaayos sa panghinaharap o ang pagbabayad ng renta kung may mga mahabang konstruksyon.

Itanong mo ito sa sarili

Kung nag-iisip na bumili ng bahay, tanungin ang iyong sarili nito: Saan mo ba gusto manirahan? Anong klaseng bahay ang gusto? Magkano ang kaya ng badyet?

 
house_plans_0.jpg?itok=J3tMfXbB&mtime=1551750598

Mahalaga din tanungin kung magiging 'forever home' ito? O plano bang ibenta at bumili ng bago?

"If you are going to buy a home and think that in a year of time you're going to sell it and move somewhere else or upgrade to a bigger home, than going to the whole building process, I mean, is it really worth it for that period of time? Whether if you say 'look, I'm thinking of spending the next 15 or 20 years in this home, and I have kids and want them to go to primary school and high school and university from here', that's potentially going to mean it's more worth it than someone who says in 12 months I'm going to move overseas," sabi ni Kalinowski.

BASAHIN DIN:




Share

Published

Updated

By Audrey Bourget
Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand