Ipinagkaloob ng Ministro ng Imigrasyon Peter Dutton ang libo-libong 457 visa sa mga rehiyon kung saan mataas ang kawalan ng trabaho ng mga kabataan, sa kabila ng pag-angkin nito na kanyang napatigil ang kasanayang ito.
Sa unang bahagi ng buwang ito, sinabi ni Ginoong Dutton: "Mahirap maisip na sa mga lugar na maaaring may 14 o 15 porsyento halimbawa, ng mga kabataang walang trabaho, na ating papayagan na ang mga kumpanya ay magpapasok ng mga banyagang manggagawa." ("It's unimaginable that in areas where we might have 14, 15 per cent for example unemployment rate for young people, that we're allowing companies to bring foreign workers in.")
Sinabi ng Ministro "Ipinatigil ko na ito, at may ibang aspeto ng programang 457 ng Labor na aking nililinis din sa kasalukuyan." ("I've stopped that, and there are other aspects of Labor's 457 program that I'm working on tidying up at the moment as well").
Ngunit ang anim na mapa na ito ay nagpapakita ng mga lugar kung saan mataas ang bilang ng mga kabataan na walang trabaho na may mga rehiyon na malaki ang bilang ng mga binigyan ng 457 bisa mula nang maging Ministro ng Imigrayson si Ginoong Dutton sa pagtatapos ng taong 2014.
In the area around Hume City Council, more than 500 temporary foreign workers have been imported in the past two years. It's an area of high youth unemployment.

Ang mga mapa ay nagha-haylayt sa mga datos na ibinigay ng Kagawaran ng Pag-eempleyo base sa mga bilang mula ng maupo sa tungkulin ang Ministro hanggang Enero 2017, kung saan ang mga kabataang walang trabaho ay tinutukoy na yaong nasa mga gulang 15 hanggang 24.
Isang tagapagsalita para kay Ministro Dutton ang nagsabi na may ilang paglaki ng bilang sa mga manggagawang may hawak ng 457-visa sa hilagang kanluran at timog-silangang Melbourne, ngunit binigyang-pansin na: "ang bilang na iyon ay maliit lamang at ang pagdami sa bilang ay lubhang mataas sa hanay ng mga tungkulin na may mataas na kasanayan sa mga industriya tulad ng pangangalaga ng kalusugan, manufacturing at ibang sektor ng mga serbisyo - at hindi sa mga nag-uumpisa pa lamang o mga tungkuling entry level tulad ng sa sektor ng fast food sector."

Towards Dandenong and beyond youth unemployment is extremely high, but so too has been the number of 457s issued. Source: Jackson Gothe-Snape
"Mahalaga ding bigyang-diin na ang dalawang rehiyon na ito ay mga lugar kung saan may pagtaas ng bilang sa labas ng Melbourne (sa parehong tuntunin ng ekonomiko at populasyon), kung saan mataas ang pangangailangan para sa mga manggagawang may kasanayan o skilled labour."
Sinabi din ng naturang tagapagsalita na sa anim na rehiyon na tinukoy ng SBS News, ang bilang ng mga may hawak ng 457 visa ay bumaba sa Cairns, hilagang Adelaide at Townsville, at nasa parehong antas sa timog-kanlurang Perth.
Sinabi ng Ministro ng Imigrasyon noong nakaraang taon na kanyang bababawasan ang listahan ng mga karapat-dapat o eligible na mga trabaho sa programa ng 457 visa. Muli niya itong binanggit sa unang bahagi ng buwan ng Marso nitong taon, sa pagsabing inaayos pa niya ang mga pagbabago.
Ngunit ang programa ng 457 ay may maliit na epekto sa mga trabahong entry-level o panimula, ayon sa dalawang kilalang akademiko.
Ayon sa Senior Lecturer ng Law sa University of Adelaide, Dr Joanna Howe, ang mga kabataang Australyano ay hindi nakikipagkompetensiya sa mga manggagawang may 457 visa para sa mga oportunidad ng trabaho.

Youth unemployment is extremely high in and around Cairns, but hundreds of 457 visas have still been granted by Peter Dutton. Source: Jackson Gothe-Snape

In northern Adelaide, almost one in five young people is unemployed. 268 temporary foreign workers have been given visas in the past two years. Source: Jackson Gothe-Snape

High youth unemployment has been recorded in the Townsville region, but more than 200 workers on 457s have started work in the city in the past two years. Source: Jackson Gothe-Snape

Huge numbers of temporary foreign workers have been brought into south-west Perth under Peter Dutton. Source: Jackson Gothe-Snape
"Hindi umano nararapat na pag-usapan na ninanakaw ng mga 457 visa holder ang mga trabaho mula sa mga kabataang walang trabaho, kung saan sa katunayan ang ibang kategorya ng mga bisa kung saan may malawak na karapatang magtrabaho sa hanay ng mga international student, o walang limitasyon sa karapatang magtrabaho para sa mga working holiday-makers," ayon sa Dr Howe.
Karamihan sa mga dumadaming 457 visa - na malapit sa 99 na porsyento - ay ibinigay para sa mga trabaho na nangangailangan ng kwalipikasyon na hindi bababa sa Certificate III at dalawang dalawa na on-the-job training.
Si Henry Sherrell ay mula sa Development Policy Centre ng Australian National University, at sinabi niya may argumento na ang mga taga-empleyo ay mas malamang na hindi mamuhunan sa pagsasanay sa mga mas nakababatang manggagawa kung mayroon namang mga manggagawa na may 457 visa, ngunit kanyang inilarawan ito bilang "tenuous" o mababa lamang base sa mababang proporsyo ng merkado ng paggawa na kinakatawanan ng mga pansamantalang banyagang manggagawa.
Sinabi niya na ang programa ng 457, na tumutugon sa pagkakadisenyo nito, ay lumiliit na rin habang nagiging mahigpit ang merkado ng paggawa.
"Ito ay unti-unting bumababa, hindi dahil sa anumang ginagawa ng pamahalaan," dagdag niya.
"Ito ay dahil sa nakikita ng mga taga-empleyo ang medyo lumiliit na pangangailangan para dito kaysa noong panahon na malakas ang pagmimina at nasa mas mahusay na ekonomiya."
Sinabi ng opisina ni Ministro Dutton na binawasan ng pamahalaan ang pagdepende nito sa mga banyagang manggagawa sa parehong panahon na lumalago ang portunidad para sa mga lokal na manggagawa.
"Sa pangkalahatan, mula ng maupo sa pamahalaan, ang programa ng 457 ay bumaba sa ilalim ng Koalisyon ng mahigit 13,000. Sa parehong panahon, ang lakas-paggawa ay nadagdagan naman ng mahigit 500,000 posisyon, ayon sa isang tagapagsalita.
May mga pagbabago ng ginawa si Ginoong Dutton sa balangkas ng 457 nitong taon, kinansela ang fast food industry labour agreement.
Sa kasunduan pinabuti ang proseso para sa mga kumpanya tulad ng McDonald's at Hungry Jack's upang magpapasok ng nasa 500 banyagang manggagawa sa loob ng nakalipas na apat na taon.
Ang mga kasunduan ng paggawa ay tanging nagbibigay ng paraan para sa mga negosyo sa Australia na mapagpasok ng mga semi-skilled na banyagang manggagawa. May walong iba pang kasunduan ng paggawa ang nananatiling umiiral.
Iminungkahi ng isang komite ng Senado noong nakaraang taon na ipatupad ang paglathala sa isang listahan ng mga kasunduan ng paggawa.
Nang tanungin ng SBS News kung bakit inililihim ang mga kasunduan ng paggawa, sinabi ng Ministro ng Imigrasyon na siya ay "kumikilos sa naging gusot na iniwan ng Labor sa programang 457".
Note on maps: Youth unemployment areas are SA4s. 457 grant regions are statistical subdivisions.