#smashastrawb: Australians offer creative solutions to help strawberry farmers

Mapa-jam o mga sikretong recipe-ito ang ilan sa alternatibong paraan na ibinahagi sa social media bilang pakikiisa sa mga strawberry farmers habang humaharap ang industriya sa kasalukuyang krisis.

A better alternative

#smashastrawb: Make strawberry jams instead of throwing them out Source: Pixabay

Ibinahagi ng mga Australyano ang kanilang mga recipes sa social media bilang pakikiisa sa mga strawberry farmers, upang labanan ang epekto ng krisis sa kontaminasyon.

Strawberry tarts, strawberry jam, o ang simpleng paghiwa sa mga prutas ang ilan sa mga alternatibong paraan na ibinahagi sa social media, sa halip naitapon ang mga ito. 

“I will continue to support the strawberry industry. So I’ll be breaking out our secret family strawberry recipes and posting as many as I can,” ayon sa isang facebook post ni Queensland Opposition Leader Deb Frecklington, na sinamahan ng kinuhanang litrato ng recipe.
Malaki ang ibinaba ng strawberry sales sa bansa matapos may matagpuang karayom sa loob nito, na nagdulot ng pangamba sa mga mamimili. 

Halos may pitong brand ang nagtanggal ng mga produkto nito sa mga pamilihan, na humantong sa pagtatapon ng mga prutas sa 'strawberry graveyards'.
strawberries
Barnaby Joyce has urged Australian to keep buying strawberries as an act of defiance. (AAP) Source: AAP
Isang video ang ibinahagi ni Stephanie Chheang, na sinasabing anak ng may-ari ng Donnybrook Berries, na nagpapakita ng ga-bundok na nasayang na strawberries. 

“This is no doubt the worst thing to ever happen to my family,” ayon sa kanyang post sa Facebook.

“[My family] work hard to make the money for our family and to have these selfish individuals destroy it is just so upsetting.”

Naglaan ang gobyerno ng Queensland ng $1 milyon upang tulungan ang mga strawberry farmers at upang maimbestigahan ang 'traceability at integrity' sa supply chain. 

Noong Lunes, inatasan ni Federal Health Minister Greg Hunt ang Food Standards Australia New Zealand na imbestigahan ang nasabing kontaminasyon. 

Ang Palasczcuk government ay nag-anunsyo ng $100,000 na pabuya sa sinumang makakapagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga naninira sa industriya ng strawberry.

Ang kontaminasyon sa buong bansa

- Berry Obsession, Berry Licious at Donnybrook Berries ay nag-recall ng kanilang mga produkto sa buong bansa. 

- Hinikayat ang publiko na hiwain ang mga prutas bago kainin.
SBS News
Source: SBS News

Queensland

- Ang kontaminasyon ay sinabing nagmula sa isang Sunshine Coast grower. Ang mga produkto na galing dito ay tinanggal sa mga pamilihan noong nakaraang linggo, matapos kumalat ang report na may natagpuang karayom sa loob ng mga berry.  

- Kasalukuyang iniimbestigahan ng Queensland health ang mga nag-report na nakikita ng karayom sa loob ng strawberrries. 

- Nag-alok ang Queensland government $1 milyong pabuya bilang tulong sa mga strawberry farmers na malagpasan ang kasalukuyang krisis. 

- Nabigyan ng babala ang isang babe matapos itong mahuli na nagsuksok ng karayom sa isang saging sa isang pamilihan sa Mackay.

NSW

- Nakatanggap ng mga report ang NSW Police tungkol sa kontaminadong strawberries sa mga pamilihan sa Tweed Heads, Taree, at Wingham.

- Kinumpirma ng NSW police noong Martes na may natagpuang karayom sa mga mansanas at saging na nabili sa mga tindahan sa Sydney. 

Western Australia

- Limang kaso ng kontaminadong strawberries ang naireport sa Western Australia, kabilang ang tatlong report na galing sa Perth.

Tasmania

- Isang babae ang nag-post sa social media na may natagpuan siyang karayom sa binili niyang strawberry sa isang pamilihan sa Hobart.

South Australia

- Dalawang kontaminodong punnets mula sa Western-Australian grown na strawberry na Mal's Black Label ang natagpuan sa mga bayan sa labas ng Adelaide.

Victoria

- Dalawang kontaminadong punnets ang naiulat na natagpuan sa rehiyonal na bahagi ng Victoria bilang bahagi ng orihinal na imbestigasyon. Wala nang karagdagang naiulat simula noon. 

ALSO READ

Share

3 min read

Published

Updated

By Fintan McDonnell

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand