Ang social isolation ay tumutukoy sa kawalan ng sosyal na interaksyyon, pakikipag-ugnayan at relasyon sa pamilya at kaibigan o sa kapitbahay sa indibidwal na antas at sa "society at large" sa mas malawak na antas.
Ayon sa Australian Bureau of Statistics, mayroong tinatayang 3.8 milyong matandang Australyano (katumbas ng 15% ng populasyon) sa 2017, isang pagtaas mula 2.2 milyong tao (13% ng populasyon) 10 taon ang nakalipas. Ang mga matatandang Australyano (edad 85 pataas) nagpaliwanag para sa 2.0% populasyon ng 2017, ang proprosyon ay inaasahang tumaas sa 4.4% sa 2057.
Bahagi ng populasyon ng nasabi ay mga Pilipinong matanda na nakatira sa Australya ng matagal.

Source: Australian Bureau of Statistics
Hindi na dayuhan ang mga Pinoy na matatanda sa pakiramdam ng isolasyon. Ang paglipat sa isang bagong bansa ay nangangahulugan para sa mga mapanghamon na sirkumstansiya at sitwasyon.
Ang UFEA o Unified Filipino Elderly Association ay isang naka-base sa komunidad na organisasyon na pangako ay tulungan ang mga migranteng matanda ng Australya labanan ang social isolation at loneliness.
Sinabi ni Leti Lorenzana, UFEA President, ang social isolation ay hindi dapat bahagi ng pag-edad at dapat ay labanan. Hindi inaamin ng ilang mga Pilipino na dumadaan sila sa isolasyon dahil ayaw nilang mag-alala ang kanilang mga pamilya o maging pabigat na siyang nagiging sanhi upang mawala ang kanilang pakikipag-ugnayan sosyal.
Ang pakiramdam ng isolasyon ay maaaring mula sa iba't-ibang posibleng rason; pagkawala ng mahal sa buhay o kaibigan, pagkawala ng trabaho o pag-retiro at ang pakiramdam na sila ay matanda at mahina na upang maging aktibo. Sinabi ni Faye Arcilla, sekretarya ng UFEA, ito ay normal at temporaryong pakiramdam na nawawala kung kaya't mahalagang tulungan ang mga matatandang nakikibaka sa social isolation.
Dagdag ng Bise Presidente ng UFEA na si Barbara Price, ang isyu sa social isolation ay mas laganap sa mga culturally at linguistically diverse (CALD) backgrounds dahil kulang sila sa sosyal na kamalayan tungkol sa mga aktibidad, programa o serbisyo na maaari nilang makuha.

A woman uses a walker to assist her mobility in Canberra, Friday, May 24, 2013. (AAP Image/Alan Porritt) NO ARCHIVING Source: AAP
Ang wika at kultura ay maari din sanhi ng social isolation sa mga matatanda. Ang kawalan ng kakayahan umintindi ng ibang kultura dahil sa hadlang sa wika ay nagpaparamdam sa kanila ng sikolohikal na stress.
Ngunit Paano ba natin malalabanan ang social isolation?
Sa pamamagitan ng paghikayat sa mga matatanda na sumali sa mga club, asosasyon at kaganapan sa komunidad, sila ay nakakailala at nakikipag-ugnay sa ibang tao. Makaktulong ito sa kanila makaramdam na sila ay konektado sa isang grupo.
Ang mga karaoke, musikal na pagganap at kainan ay iilan sa mga aktibidad na dinadaos nila.
Ang pagbisita sa bahay ay paraan din upang maabot sila. Maaring sa kanilang bahay o sa nursing home na tinitirahan nila.
Ang pagdaos ng mga information session na nauukol sa mga matatanda tulad ng dental care, legal information session ay nakakatulong din upang maging aktibo ang isip ng mga matatnda.
Ang mga health at wellness programs ay epektibong daan din upang labanan ang social isolation. Maliban sa mga pisikal na ehersisyo, tinuturuan ang mga matatanda paano maging technologically savvy upang pasiglahin ang intelektwal na kapasidad nila.
“Yung chitchat lang they’re happy with that, catching up with people, what is important ay may human interaction” says Barbara Price.
Ang pagiging kabilang sa isang organisasyon sa komunidad ay isang paraan upang mainitndihan ang ibang kultura. “We promote our culture so yung broader community, they can understand what a Filipino is, what is our legacy, what is our heritage.” Dagdag niya.
Ang suporta sa mga matatanda ay hindi lamang dapat mula sa mga organisasyon sa palibot ngunit una dapat ay magsimula sa malapit na pamilya. Dapat iparamdam sa mga matatanda na sila ay mahalaga. Ang pagbigay ng oras sa kanila at pagsuporta sa mga matatanda sa mga gawaing masaya sila.

UFEA celebrating Christmas in July activity at St. Andrews Parish July 8, 2018. Len Villanueva Source: Len Villanueva

UFEA's "No pokies Yes! karaoke night with Chinese, Mauritian, Aussie and Filipino social groups at Kingston Council. June 30, 2018 Source: Len Villanueva
“Ang ating mga mga magulang, lolo they are important kailangan natin silang bigyan ng opportunity to become a productive, contributing member of society hindi lang sila tagabanatay ng bahay o tagabantay ng anak mo.” Barbara Price Added.
Nang tanungin paano mahihikayat ang mga matatanda, naniniwala si Barbara sa isang one-on-one interaction tulad ng pagbabahagi ng mga karanasan at layunin sa buhay. Si Faye naman, ay ang pagbisita sa mga matatandang kaibigan at pag-imbita sa kanila sa kanyang bahay upang sila ay makaramdam ng pagtanggap. Samantala si Leti na nagtatrabaho bilang interpreter para sa mga matatanda, sinisigurado niya na nakakapagbigay siya ng impormasyon tungkol sa mga organisasyon na naroon sa komunidad.
Kung ikaw ay isang matanda o may kilalang matanda na nakikibaka mula sa social isolation, ipaalam mong ikaw ay may pag-aaruga.