Super Saturday: Bakit mahalaga ang darating na halalan sa Sabado

Ang Super Saturday ay maaring makapagpabago ng takbo ng pulitika sa gaganapin na limang by-elections sa Braddon, Fremantle, Longman, Mayo at Perth.

Wagombe wa uchaguzi wa pamoja na viongozi wa vyama vya katika kampeni ya chaguzi ndogo za "Super Saturday" za 28Julai2018

Wagombe wa uchaguzi wa pamoja na viongozi wa vyama vya katika kampeni ya chaguzi ndogo za "Super Saturday" za 28Julai2018 Source: AAP

Sa artikulong ito...

  • Bakit ito magiging makasaysayan? 
  • Ano ang political context nito?
  • Mga bilang
  • Ano ang kahihinatnan?
 


Limang by-elections sa buong Australya ang gaganapin sa Hulyo 28 - na tinatawag na Super Saturday - ang sinasabing makakapagpabago ng takbo ng pampederal na pulitika. Narito ang kailangan mo malaman.

Bakit ito magiging makasaysayan?

* Ang darating na halalan ay may pinakamataas na bilang ng by-election na gaganapin sa isang araw. 

* Ang gobyerno ay hindi pa nananalo sa isang by-election laban sa oposisyon simula pa noong 1920.

Ano political context nito?

* Ang Labor ay pinangungunahan ang Liberal-National coalition sa national opinion polls.

* Lamang si Malcolm Turnbull kay Bill Shorten sa personal popularity at bilang preferred prime minister.

* Pinagtutuunan ng pansin ng Coalition ang bawas sa personal at business tax, aksyon sa presyo ng kuryente, at mga benepisyo ng mas matatag na ekonomiya. 

* Sinabi ng Labor na ang Coalition ay nag-aaksaya ng pera ng mga taxpayer sa pagbabawas ng business tax (kaysa maglaan ng pondo para sa mga eskwelahan, ospital, mga kalsada at mga pensyon) at marami sa mga nagtatrabaho ay hindi nakakatanggap ng benepisyo mula sa ekonomiya. 

* May natitira pang galit sa mga pulitiko tungkol sa krisis sa dual citizenship na nag-trigger ng apat sa limang by-election.

* Ang susunod na full House at half-Senate election ay nakatakda sa Mayo 18, 2019. 

Mga bilang

* Bago pa man ang by-elections, ang House of Representative ay binubuo ng: 76 Coalition, 65 Labor, 1 Greens, 1 Katter, 2 Independents, 5 bakanteng posisyon (apat sa Labor, isang Independent).

* Ang Liberal Party ay tatakbo sa tatlo sa limang by-elections (Longman, Mayo at Braddon), habang ang Labor ay tatakbo sa lahat ng limang by-elections.

* Si Rebekha Sharkie ng Centre Alliance ay inaasahang mapapanatili ang Mayo.

* Mahigpit ang labanan sa Longman at Braddon at maaaring makinabang ang Liberal 

* Ang Perth at Fremantle ay madaling makukuha ng Labor.

Ano ang kahihinatnan?

* Ang pagkatalo ng Labor ay magiging bentahe para sa gobyerno ngunit ito ay magiging hamon sa liderato ni Bill Shorten. Ang karibal nito sa liderato na si Anthony Albanese ay nananatiling high profile. 

* Kung mapakiramdaman ng mga strategist ni Malcolm Turnbull ang mga pagbabago na maaring maging pabor sa Coaltion, maaaring magkaroon ng maagang halalan bago mag-Pasko. 

* Ang pagkakapanalo ng Labor ay makakapagpatibay sa kasalukuyang paniwala ng punong ministro na ipagpaliban ang halalan hangga't maaari (Abril-Mayo 2019) at marami pang kinakailangang gawin sa pagpupundar sa stocks ng gobyerno.

ALSO READ
Subaybayan ang live coverage ng Super Saturday sa SBS News website at sa SBS News app sa iOS at Android



Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand