Halos dalawang milyong nakamamatay na Takata airbags ay naka-install pa sa mga kotse sa Australya isang taon matapos ang compulsory national recall.
Sinabi ng Australian Competition and Consumer Commission na bagama't mayroong 1.1 milyong faulty Takata airbags ang napalitan na sa humigit-kumulang 930,000 na sasakyan simula nang magsimula ang recall, may natitira pa ding 1.8 milyon na hindi pa napapalitan.
Nagbigay ng babala si ACCC deputy chair na si Delia Rickard na huwag ipasawalang-bahala ang pagpapapalit ng airbag dahil ang mga ito ay nagde-degrade habang tumatagal at ito ay nagiging nakamamatay.

Sinabi niya na ang mga apektadong kotse ay hindi dapat nasa kalsada.
"I think they are ticking time bombs, which is why we have been unequivocal in our advice," sinabi niya sa ABC’s AM radio.
“Don’t ignore or delay responding to a letter or call from your car’s manufacturer asking you to have your airbag replaced. The airbags degrade over time and can become lethal by misdeploying and firing metal shards at the car’s occupants."
Naglunsad ang Federal Chamber of Automotive Industries ng multi-milyong dolyar na awareness campaign ngayong linggo, kabilang ang website kung saan maaring tignan ng mga motorista kung apektado ang kanilang sasakyan.
Is your vehicle affected? Click here
Naniniwala ang ACCC na ang NSW ang may pinakamataas na bilang ng mga mapanganib na sasakyan-tinatayang 448,000 pa ang kailangang mapaaayos, kasunod nito ang Victoria na may bilang na 400,000.
Nagsimula ang airbag recall dahilan sa mga problema sa key propellant na gamit sa Takata system na maaring mag-degrade habang tumatagal.

Kapag may banggaan, ang airbag ay lolobo sa tulong mga canisters na naglalaman ng mga expolosive propellants. Ang mga Takata airbags ay gumagamit ng ammonium nitrate - isang kemikal na sinasabing nagde-degrade pagkatapos ng matagalang exposure sa mataas na temperatura at humidity.
Ang degraded ammonium nitrate ay maaaring maging dahilan para magkaroon ng mapanganib na pressure at sumabog kapag na-deploy ang mga airbag, at maglabas ng shrapnel.
Sa buong mundo, ang mga airbag ay naging sanhi ng 23 pagkamatay at mahigit na 230 na malubhang pinsala.
Sa Australya, may isang naiulat na namatay at isa pang seryosong pinsala na kaugnay sa mga shrapnel na galing sa mga airbag.
Subaybayan ang mga ulat tungkol sa ACCC recall status dito o tignan ang impormasyon tungkol sa airbags at recall dito.
