Talaan ng live na brodkast ng 2018 FIFA World Cup Russia: Live, libre at isinalin sa wikang Filipino

Narito ang mga mahahalagang impormasyon sa coverage ng 2018 FIFA World Cup ng SBS na magsisimula sa ika-14 ng Hunyo at magtatapos sa ika-15 ng Hulyo.

2018 FIFA World Cup

The 2018 FIFA World Cup trophy and official match ball Source: Supplied

Hatid ng SBS ang pinakakomprehensibong coverage ng 2018 FIFA World Cup-sa telebisyon, radyo, at online. Simula ika-14 ng Hunyo, tampok ang live na brodkast ng mga laban, kabilang na ang mga ekslusibong komento, panayam at mga espesyal na ulat.

Sa Radyo:

Mapapakinggan sa SBS Radio nang live at sa wikang Filipino ang mga komentaryo, kaganapan at ilang mga dapat abangan sa mga susunod na laban.

Maaari ding making nang libre gamit ang 2018 FIFA World Cup app, SBS Radio app at sa SBS 1, SBS 2, SBS 3, digital na telebisyon at mga online na application.

Sa Telebisyon:

Mapapanood ang mga laban araw-araw nang live, libre at sa HD format sa telebisyon, kabilang ang panimulang laban, semifinals, huling laban at ang lahat ng laban ng Socceroos.

 

 

Narito ang buong talaan ng mga live na laban:

Biyernes 15 Hunyo mula 12am*             Russia v Saudi Arabia LIVE                kick-off 1am


Sabado 16 Hunyo mula 3.30am*            Portugal v Spain LIVE                        kick-off 4am


Sabado 16 Hunyo mula 7pm*                 France v Australia LIVE                     kick-off 8pm

Lunes 18 Hunyo mula 12am*                 Germany v Mexico LIVE                     kick-off 1am

Martes 19 Hunyo mula 3.30am*             Tunisia v England LIVE                      kick-off 4am

Martes 19 Hunyo mula 9.30pm*             Colombia v Japan LIVE                      kick-off 10pm

Miyerkules 20 Hunyo mula 9.30pm*       Portugal v Morocco LIVE                    kick-off 10pm

Huwebes 21 Hunyo mula 9pm               Denmark v Australia LIVE                   kick-off 10pm

Biyernes 22 Hunyo mula 9.30pm*          Brazil v Costa Rica LIVE                     kick-off 10pm

Linggo 24 Hunyo mula 3.30am*            Germany v Sweden LIVE                     kick-off 4am

Linggo 24 Hunyo mula 9.30pm*            England v Panama LIVE                      kick-off 10pm

Lunes 25 Hunyo TBC

Martes 26 Hunyo mula 11pm*                Australia v Peru LIVE                         kick-off 12am

Miyerkules 27 Hunyo TBC

Huwebes 28 Hunyo TBC

 

Ang SBS coverage ng ika-16 na round at Quarter Finals ay ipapahayag sa buong torne. 

Huwebes 12 Hulyo mula 3.30am*      2018 FIFA World Cup™ Semi-Final 1 LIVE   kick-off 4am

Huwebes 12 Hulyo mula 3.30am*      2018 FIFA World Cup™ Semi-Final 2 LIVE   kick-off 4am

Sabado 14 Hulyo mula 11pm*            2018 FIFA World Cup™ Playoff for 3rd LIVE kick-off 12am

Linggo 15 Hulyo mula 11pm*             2018 FIFA World Cup™ Final LIVE              kick-off 1am

*Ang lahat ng oras ay AEST at maaring mabago

Sa Internet (Digital)

Ang website na The World Game ay maghahatid ng live stream ng 25 na laban kabilang ang mga pinakahuling mga ulat sa puntos, highlights, at komentaryo ng mga laban.

Tumutok sa live stream ng mga laban gamit ang FIFA World Cup™ app. Lahat ng 64 na laban ng 2018 na torneo ay mapapanood nang live gamit ang app, na maaring ma-download simula ika-4 ng Hunyo.

Ihahatid ng SBS ang 2018 FIFA World Cup, sa pakikipagtulungan sa Optus Sport. Bisitahin ang website ng The World Game para sa mga detalye kung paano mapapanood ang bawat laban.

 

 

 

 


Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand