Ang online gaming ay nagbibigay sa mga bata ng kalayaan upang galugarin ang mga bagong kapaligiran at makihalubilo sa iba't-ibang paraan na maaaring hindi nila magawa sa tunay na buhay. Sa kasamaang palad, ang pagtaas ng popularidad nito ay nagbigay-daan din sa pagtaas ng kaso ng cyberbullying at ang mga kabataan ang nagiging target.
Ipinakikita ng kasalukuyang pananaliksik na 17 porsyento ng mga may edad 8 hanggang 17 na naglalaro ng multiplayer na laro sa online ay na-bully o naabuso habang naglalaro.
The Lost Summer, ang bagong video game na inilunsad ng Office of the eSafety Commissioner ay idinesenyo para magamit ng mga kabataan sa mga silid-aralan upang makatulong na hikayatin ang mga ito na magkaroon ng kaalaman sa digital intelligence at kasanayan sa online safety.
Ayon sa eSafety Commissioner Julie Inman Grant, ang video game ay isang masaya at makatawag-pansin na paraan upang turuan ang mga kabataan na tumugon sa kung anumang isyu ang makaharap nila online at kung paano mag-navigate sa online nang ligtas.
SaThe Lost Summer, ang mga manlalaro ay nasa isang virtual environment kung saan kinakailangan nilang gamitin ang iba't-ibang kasanayan katulad ng critical thinking, empathy, resilience, respect at responsibility para makumpleto ang mga pagsubok at maka-abante sa susunod na lebel ng laro.
“We know that online gaming is hugely popular among young people,” sabi ni Ms Inman Grant.
“We’ve created a gamified experience that is engaging and will resonate with young people as they learn the importance of digital intelligence.”

The game immerses players in a futuristic environment that displays different scenarios they may encounter online Source: Office of the e-Safety Commissioner website
•RESPECT - magpakita ng paggalang sa iba, pagkilala at pagpapahalaga sa ibang tao na may ibang opinyon, kultura o pinagmulan
•CRITICAL THINKING - isiping mabuti kung ano ang nakikita online at magtanong upang mapag-aralan ang impormasyon na maaaring magdulot ng pananamantala o magbigay ng maling impormasyon.
•RESILIENCE - maging matatag at matutunang tumugon sa mga panganib online.
•RESPONSIBILITY - maging responsable sa kung ano ang iyong sinasabi at ginagawa, sa pamamagitan ng positibong pakikisama sa iba at matututong panagutan ang iyong paguuugali.
•EMPATHY - magpakita ng sympatiya sa iba at gamitin ang emotional intelligence upang igalang ang mga opinyon, tanggapin ang pagkakaiba-iba ng opinyon at kalayaan sa pamamahayag.