Isang 17-taong gulang na lalaki ang humarap sa korte na inakusahan ng pagpatay sa isang batang babae sa isang Melbourne party noong Sabado.
Ang batang lalaki, na hindi mapangalanan sa legal na kadahilanan, ay hawak ang kanyang ulo sa maikling pagdinig na ginanap noong Martes, na sinuportahan ng kanyang nanay at mga kapatid.
Si Laa Chol, 19, ay namatay pagkatapos na maiulat na siya ay nasaksak sa isang party na kanyang dinaluhan sa Melbourne bandang 5.15 ng umaga noong Sabado.
Ang bata na nakatira sa Sunshine North ay kinasuhan noong Lunes.

Sinabi sa children's court na kinailangan ng mga tagausig ng "mas mahabang panahon" para maihanda ang mga ebidensya sa kaso, kabilang na dito ang 50-oras ng CCTV footage, mga pahayag mula sa malaking bilang ng mga saksi, at pag-download ng data mula sa mga mobile phone.
Ang teenager ay kasalukuyang nasa kustodiya nas, at ang mga abugado na may hawak ng kaso ay babalik sa korte sa ika-14 ng Agosto.

Sinabi ni Commander Stuart Bateson sa 3AW noong Lunes na ang pagkamatay ng batang babae ay walang kinalaman sa Sudanese gang violence, tulad ng iminumungkahi ng ilang pulitiko.
"When we start to make an issue that is bigger than what it is and when we start to racialise and we start to target this specific community, that leads to some unintended consequences," sabi niya.
"That means a whole community feels vilified. They often feel frightened to go out in public in groups, they're shouted out."
Sinabi ni Premiere Daniel Andrews sa ABC Radio na ang pamilya ni Ms Chol ay "karapat-dapat na bigyan ng pangunahing pansin di katulad sa kung ano ang naibigay sa kanila nitong nakalipas na 12 o 24 oras."
