Ang bilang ng mga pansamantalang migrante, kabilang ang mga overseas students, temporary workers, backpackers at mga turista ay patuloy na tumataas nitong nakaraang taon. Noong 2011-12, mayroong 32,000 na estudyante ang naireport na dumating sa bansa, at ang bilang ay halos na-triple nitong taong 2016-17.
Sinabi ng dating immigration deputy secretary na si Abul Rizvi sa SBS News na ang pangunahing kadahilanan ng pagsisikip ng mga pangunahing lungsod ay ang pagdagsa ng mga international students habang ang permanent intake ay hindi naman halos nabago sa maraming taon.
“Overseas students are the big factor that has grown as a portion of the net migration intake, and the vast majority of them do indeed settle in Sydney, Melbourne, and Brisbane,” sabi niya.

Source: AAP
Ang mga international students, halimbawa, ay napapabilang sa "long-term temporary residents," na naglalagi sa Australya at may hawak na pansamantalang visa, at karamihan sa mga ito ay naghahangad na permanenteng manirahan dito.
Bilang tugon sa plano ng gobyerno na magbawas ng pagtanggap ng mga migrante sa Australya, sinabi ni Mr Rizvi na ito ay magkakaroon lamang ng maliit na epekto sa pagsisikip sa mga pangunahing lungsod.
Ayon kay Tanya Plibersek ng Labor, pinahintulutan ng pamahalaan na lumaki ang bilang ng mga may hawak na pansamantalang visa.
“Five years into a Liberal Government that has been in charge of migration for five years, that has seen huge numbers in particular on temporary visas, when we should really should have been training Australians to do jobs that have been on the skills shortage list for years at a time,” sabi ni Ms Plibersek.
BASAHIN DIN