Ang Australia at New Zealand ay may pinakamataas na antas ng skin cancer sa buong mundo.
Sa pagitan ng 12,000 at 14,000 Australyano ay nasuri na may melanoma - ang potensyal na nakamamatay na uri ng cancer sa balat - bawat taon, at humigit-kumulang sa 1,500 ang mamamatay sa kanila.
Bagamat ang mga tao na may maputing balat at may mga freckles ang mas at-risk, hindi masasabing immune ang may maiitim na balat.
Ang maagang pagtuklas sa isang melanoma tumor ay maaaring tumaas ang survival rate na hanggang 99 na porsyento, ngunit kung matagal na bago madiagnose, ang tsansa ay bababa sa 15 hanggang 20 porsyento.
Sa ngayon, ang mga mananaliksik sa Edith Cowan University sa Western Australia ay nagsagawa ng pagsusuri sa dugo upang maagang matuklasan ang melanoma.
Ang pinuno ng Melanoma Research Group ng unibersidad na si Propesor Mel Ziman, ay nagsabi na ang test ay nakasalalay sa pagkilala ng "autoantibodies."
“Your immune system’s white blood cells produce antibodies to [fight] foreign invading pathogens like bacterial viruses. But they also produce antibodies to [fight] abnormal cancer cells, called autoantibodies,” sabi niya.
“The immune system then amplifies this signal, producing multiple autoantibodies to the cancer cells. These autoantibodies are expressed at very early stages of the cancer, they are easily accessible in the blood, and so it provides a fantastic chance for identifying early cancer."
Ang dugo na kinuha mula sa higit sa 200 katao - kalahati sa kanila ay nagkaroon ng melanoma - ay sinuri para sa 10 "biomarkers" o mga protina.
Sinabi ni professor Zimanna higit sa 80 porsyento ng mga kaso, ang blood test ay magbibigay daan upang matuklasan ang early-stage melanoma.
Ang CEO ng Cancer Council Australia na si Propesor Sanchia Andrada, ay nanatiling bukas ang isip sa mga posibilidad. Sinabi niya na bagamat inaasahan niyang maging matagumpay ang mga bagong tests, marami pa ring katanungan, kabilang ang pagiging cost-effective ng mga test.
Hindi din sigurado ang accuracy ng mga ito.
Sinabi ni propesor Aranda na maraming uri ng biomarkers na maaring makita, at hindi lahat ng pasyente ay may eksaktong biomarker sa lahat ng pagkakataon.
ABCDE inaccuracy
Ang mga tao ay karaniwang pumupunta sa kanilang mga doktor kung nag-aaalala sila sa kanilang mga nunal, at pagkatapos ay susuriin ito ayon sa tinatawag na "ABSCDE" assymetry, irregular borders, kulay, sukat at kung paano ito umusbong o kung mayroong pagbabago.
Ayon kay Propesor Ziman, ang diagnosis sa early stage ay mahirap lalo na sa maliliit o maninipis na melanoma, sa mga taong maraming nunal, at walang kulay na melanoma. At sinabi niya na makakatulong ang blood test para maibsan ang "inaccuracy" at magkakaibang opinyon sa mga kaso na nangangailangan ng karagdagang pansin.
Kung ang isang clinician ay naghihinala sa isang nunal, ang susunod na hakbang ay pagsasagawa ng biopsy, para makakauha ng sample. Umabot sa $70 milyon kada taon ang nagastos ng Australian health authorities para sa mga negatibong biopsy.
Sabi ni cancer Council Professor na si Aranda na ang mga biposy ay kasalukuyan pa rin na pinakamahusay na paraan upang matiyak ang posibleng kanser ay nakuha mula sa isang pasyente.
"You have the added advantage that not only is the biopsy taken, the lesion is excised at the same time, and you only need to get more extensive surgery if in fact the cancer’s been found to spread through the tissues surrounding the original lump,” sabi niya.
“If that’s the case then no amount of blood tests could have told you that that was the case, you’ve got to have the lesion excised to do that."
Inaasahan na bibilang pa ng karagdagang tatlong taon bago magamit nang malawakan ang test.