Pagsagip sa mga na-trap sa Thai cave: 'a logistics nightmare'

Ang mga rescuers ay kinakailangang dumaan sa madilim at makitid na daan at iligtas ang mga tao na walang diving experience.

The rescue mission in Thailand to save boys trapped in a flooded cave.

Source: SBS

THAILAND CAVE RESCUE BY THE NUMBERS:

* 12 batang lalaki, may edad na 11 hanggang 16, at ang kanilang 25-taong gulang na coach ay nagpunta sa Tham Luan Nang Non Cave noong Hunyo 23

* Inabot ng 10 araw bago sila natagpuan.

* Upang makalabas, kinailangan nilang lumangoy sa 4 na kilometrong madilim at makitid na daanan at kinailangan nila ng scuba equipment 

* Umaabot ng 11 oras para makalabas at makapasok sa kweba

* Kinakailangan ng 20 oras ng mga diver para maihanda ang kanilang air tanks at alamin ang kanilang ruta. 

* Sa ngayon, mayroon nang isang namatay-dating Thai Navy Seal na si Saman Kunan, na namatay habang nilalatag niya ang mga air tanks sa kanilang ruta. 

* Mayroong 18 divers, lima ay Thai at 13 ay mga banyaga, kabilang na ang ilang Australyano  na nakikibahagi sa operasyon. 

* Ang bilang ng mga Australyanong kabilang sa rescue operation ay nagdedepende sa kanilang rotasyon, ngunit aabot sa 19 ang kasama sa grupo

* Kabilang sa grupo ang anim na Australian Federal Police divers na sumusuporta sa Thai Navy, kasama ang isang liaison officer at interpreter at si Dr Richard Harris, isang espesyalista sa hyperbaric medicine. 

* May 100-support team ang tumutulong na mag-pump ng tubig palabas para mapigilan ang higit pang pagbabaha sa loob ng kweba. 

* 4  na mga batang lalaki ang nasagip noong Linggo sa loob ng 11 oras

* 4  na mga batang lalaki ang nasagip noong Lunes sa loob ng 9 na oras


Share

2 min read

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Source: SBS



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand