Kada araw, milyon milyong Australyano ang nag-boboluntaryo ng kanilang mga oras upang mapabuti ang buhay ng mga miyembro ng komunidad.
Nais ng ipinanganak sa Egypt na si Mohamed Zahran na gumawa ng pagkakaiba sa mundo. Bilang volunteer, kabilang siya sa mga naghahanda ng libreng pagkain, pag-aalaga sa mga matatanda sa komunidad at tumutulong sa mga bagong dating sa kanilang problema sa wika.
“It’s something that makes me feel that I have made a difference, even though it might only be a little difference and might not have a big impact. But if I have made somebody smile, it makes me satisfied that I have achieved something in my day,” sabi niya.

Getty Image Source: Getty Image
Halos 10,000 rehistradong organisasyon sa bansa ang nag-aalok ng mga posisyon sa komunidad, pag-aalaga, palakasan, edukasyon atbp.
Ang pagboboluntaryo ay isang magandang paraan din upang maging aktibo sa komunidad Australyano. “I didn’t want to stay in my own small world, I wanted to expose myself. I’m getting involved in the community because I want to learn about the Australian way,” sabi ni Lap Kuen Leung, na lumipat mula sa Hong Kong.
“You get to learn the culture, you get to learn how people think because it is important that you know what the people do here, what they like, what they don’t like. There are a lot of cultural differences between the world I came from - and it’s not right or wrong, it is just different.”
Ang pagboluntaryo ay landas din para sa isang karera sa panghinaharap.

Getty Image Source: Getty Image
“To make the volunteers gain something for themselves, not money, not only the satisfaction to be a volunteer and offer yourself and your abilities and skills to your community, but for you to gain something like new skills, new talents to improve your personality to improve your professional experience,” paliwanag ni Paraskevi Tsingas, isang volunteer coordinator ng Greek welfare organisation sa Melbourne.
Your level of English shouldn’t be a barrier to volunteering. You can often find opportunities where using your first language are an asset or use the experience to learn more English.
“Our trainers are taught to deal with language, literacy and numeracy impediments people might have or lack of skills in those areas. So we make reasonable adjustments to make sure that everybody is given an equal chance to grow in the organization,” sabi ni Graham Kinder, isang commander ng NSW State Emergency Service.
Ang pagsisikap ng mga boluntaryo sa Australya ay mahalaga para gumalaw ang bansa at pinapasalamatan ito ng komunidad. Ngunit, bumaba ito sa mga nagdaang taon. Ayon sa Australian Bureau of Statistics, 31% ng mga Australyano ang nagboluntaryo ng 2014, kumpara sa 36% ng 2010.

Getty Image Source: Getty Image
Simula ika- 20 hanggang 26 ng Mayo, libo-libong mga kaganapan ang idadaos sa buong bansa upang pasalamatan ang 6 milyong Australyano na nagbigay ng kanilang oras para s komunidad. Kabilang sa selebrasyon ang almusal, mga morning tea, tanghalian, open days, award ceremonies, picnics, forums at sesyon ng pagsasanay.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa National Volunteer Week at mga oportunidad tungkol sa pagboluntaryoand, bisitahin ang Volunteering Australia website.