Key Points
- Pumanaw na ang Australian entertainment icon na si Barry Humphries sa edad na 89.
- Sa kanyang halos 70 taon sa industriya, inaalala si Humphries para sa lahat ng kanyang ginampanang papel at mga palabas na nagawa, lalo na ang minamahal na Dame Edna Everage.
- Nagluluksa ang mga myembro ng media at buong industriya ng entertainment sa pagpanaw ni Humphries.
Itinuturing na 'jack of all trades', at tunay na dalubhasa sa kanyang pagganap.
Namayapa na ang Australian entertainment icon na si Barry Humphries sa edad na 89.
Siya ay isang pintor, manunulat, makata, at kolektor ng sining.
Pero walang alinlangan na si Humphries ay higit na nakilala sa kanyang galing sa comical theatre, lalo na ang kanyang kinagiliwan kahit saan sa mundo na alter ego na si Dame Edna Everage.

Dame Edna Everage
Siya ay nagpapagamot dahil sa mga komplikasyon na nagmula sa kanyang operasyon sa balakang sa unang bahagi ng taong ito.
Maiiwanan ni Humphries ang kanyang pangunahing pamily, kasama ang kanyang asawa na si Lizzie Spender, mga anak na si Tessa, Emily, Oscar at Rupert, at sampung mga apo.
Sa isang pahayag, binanggit ng kanyang pamilya ang tungkol sa puwang na maiiwan ni Humphries sa maraming buhay.
"He was completely himself until the very end, never losing his brilliant mind, his unique wit and generosity of spirit. With over 70 years on the stage, he was an entertainer to his core, touring up until the last year of his life and planning more shows that will sadly never be. He was also a loving and devoted husband, father, grandfather, and a friend and confidant to many. His passing leaves a void in so many lives. The characters he created, which brought laughter to millions, will live on.”
Minahal si Humphries sa UK, kung saan siya permanenteng nanirahan mula pa huling bahagi ng 1960, at kung saan niya naitatag ang matagumpay na karera sa teatro sa ilang produksyon ng West End.
Pero, sa isang pagtatampok sa kanya sa Late Night Line-up, nagbigay-daan ito sa ebolusyon ng kanyang camp housewife persona na si Dame Edna.
Sinabi ng Late Night Line-up presenter at kaibigan na si Joan Bakewell sa BBC na natatangi ang taglay na talino at galing ni Humphries.
"He came on to television on Late Night Lineup and we didn't know what to make of him. We thought he was a very dear man, a very brilliant man, quite clearly. And we knew that if we gave hum a chance that he would make it."
At nagawa niya ito.
Pinalago ni Humphries ang kanyang pinaka-kilalang persona, na patuloy na sumisikat at lalong naging "outrageous".
Madalas na target ng skandalosong kasiyahan ni Dame Edna ang Royal Family.
Sinabi ni Ms. Bakewell na ramdam niya ang sakit ng pagkawala ni Humphries.
Sinabi ng malapit na kaibigan ni Humphries at author na si Kathy Lette sa panayam ng Channel Nine na malaking kawalan para sa Australia ang pagpagpanaw ni Humphries.