Ang kasaysayan ng chocolate Easter Egg at iba pang tradisyon ng Pasko ng Pagkabuhay

Holy Week in Seville, Spain, during Easter sees Christians celebrating the death and resurrection of Christ.

Source: Getty Images

 
Ang Pasko ng Pagkabuhay sa Australya ay tungkol lahat sa tsokolate. Noong taong 2014, tayo ay gumastos ng  $191.4M sa Easter eggs, na katumbas ng libu-libong toneladang tsokolate.
 
Subalit, ang tsokolate ay isang bagay na hindi mo makikita sa orihinal na istorya ng Pasko ng Pagkabuhay, na nagsasabing ang pagka-pako ni Hesu Kristo ay noong Biyernes Santo at kanyang muling  pagkabuhay pagkatapos ng tatlong araw.
 
Nagsimula sa hilagang bahagi ng mundo, ang Pasko ng Pagkabuhay ay buhat sa tradisyong pagano  na nagtatakda sa pag-palit ng panahon, habang patungo ang tag-lamig sa tag-sibol.  Ang mga simbolo ng pagkabuhay at pagdami -- ang itlog ay tampok sa parehong ritwal ng pagano tuwing tag-sibol at sa pagdirwang ng kristiyano sa pasko ng Pagkabuhay.
 
Ang pagdekorasyon ng itlog ay isang makalumang tradisyon na pangkaraniwan sa maraming kultura. Ang itlog kadalasa'y ginagawang palamuti sa mga pagdiriwang ng bagong taon ng Persia, na pumapatak sa spring equinox tuwing Marso ng bawat taon. Sa Ehipto, tampok ang pagdekorasyon ng itlog sa pista ng Sham el-Nessi tuwing panahon ng tagsibol. Sa Poland, ang  pisanki, o may dekorasyong itlog, ay nagsimula  na bago pa man dumating ang mga unang kristiyano.
19b6ded8-ad22-40cb-bf19-d10d39a62d27_1491961117.jpeg?itok=3ZEi98N0&mtime=1491961252
You can recycle your Easter egg wrappers
Did you know you could recycle your Easter chocolate aluminium wrappers?





Ang dekorasyong itlog ay naging bahagi ng Kristiyanismo, nang kumatawan ito sa muling pagakbuhay ni Kristo mula sa kanyang pinaglibingam. Minamarkahan ng mga unang Kristiyano sa Mesopotamia ang pulang nilagang itlog par sumimbolo sa dugo ni Kristo, isang tradisyon na ginagawa pa rin ngayon sa Eastern Orthodox Church.  Ang mga likas na pampakulay tulad ng balat gn sibuyas at beetroot ay ginagamit para kulayan ang mga itlog, na paminsan ay ginagamitan ng mga madetalye itsura.

Ang mga popular na gawain tuwing Pasko ng Pagkabuhay tulad ng egg hunting , egg-tapping -- na kung saan ang hangad ng laro ay  basagin ang matigas na itlog ng kalaban ng sarili mong itlog -- at pagpapagulong ng itlog. Ang White House Easter Egg Roll, na ginanap sa hardin ng White Hous,  ay ang pinaka-malaking kaganapan  sa White House sa  Washington DC, USA. Isang tradisyon mula pa noong 1878, ang pagpasok sa taunang egg roll ay ngayon sa pamamagitan ng loterya.

Ang pinaka-mahal na Easter eggs na ginawa ay likha ni Fabergé para sa  Russian Imperial family sa pag-itan ng  taong  1885 at 1916. Inilikha bilang regalo para sa asawa at ina ng tsar, ang bawat isa  sa di-kapani-paniwalang magarbong Imperial eggs ay binuksan para maibunyag ang isang mahalagang sorpresa.  Sa 50 nagawa, ang lokasyon ng 43 ay alam. Noong taong 2014, ang dating nawawalang Third Imperial Egg, na nagkakahalagang $33M, ay nakuha sa isang tiangge sa Amerika.

Ang tsoklateng  Easter eggs  na gawa ng kamay ay nagsimula noong  simula ng ika-19 na siglo.  Ang mga pag-unlad sa paggawa ay nagtulak sa paggaw asa pabrika  ng maramihang  chocolate eggs noong ng kumpanyang Briton na gumagawa ng tsokolate ,  J. S. Fry & Sons, Ltd. and Cadbury.

Hindi buo ang pagdiriwang ng Easter kung walang  Easter Bunny, na tila nagsimula sa Alemanya  noong ika-17 siglo. Kilala bilang 'Easter Hare', ang gawa-gawang karakter na namimigay ng itlog sa mga bata na masunurin, tulad ni  Santa Claus. Tulad ng itlog, ang hare at kunejho ay matagal nang simbolikong naiuugnay sa fertility.

At siempre, naduun ang hot crossbun. Ito ay isang tradisyong Inglis na nagsimula pa noong medieval times, ang pinahang-hang na matamas na tinapay ay tinapalan ng krus na gawa sa minasang harina na sumisimbolos sa krusipiksiyon ni Kristo. Sa Orihinal nito, ang cross bun ay nakalaan para kainin tuwing Mahal na Biyernes, subalit sa ngayon, binebenta na ito ng mga supermarket,  simula pa lamang ng Enero, na hindi naman dapat.

Isa pang treat tuwing Pasko ng Pagkabuhay ay ang simnel cake, isang ma di-malinamnam na fruit cake na tanyag sa Inglatera at Ireland, at ito ay tinatapalan ng 11 marzipan balls na sumisimbolo sa mga apostoles,  hindi kasama sa Hudas. 

t fruit cake that’s popular in England and Ireland, topped with 11 marzipan balls symbolising the apostles, minus Judas.

 


Share

Published

Updated

By Nicola Heath

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Ang kasaysayan ng chocolate Easter Egg at iba pang tradisyon ng Pasko ng Pagkabuhay | SBS Filipino