Sa panahon ng kampanya, lubos na naging kontrobersyal si Duterte, unang-una dahil sa imahe na kanyang ipinakita sa kanyang sariling pag-amin ng pagsasalita ng "mala-kalyeng mga lenggwahe". Sa kabila ng mga ito, minahal siya ng kanyang mga taga-suporta -- naghihintay ng maraming oras marinig lamang siyang magsalita sa kanyang mga kampanya. Wala silang paki-alam kung anu ang lumabas sa kanyang bibig. Ang mahalaga ay batid nila ang track rekord ng kanyang pamumuno -- ang pagbabago ng Davao, minsang tinawag na "kabisera ng pagpatay ng Pilipinas" sa isang mapayapa at progresibong siyudad na umani ng pag-mahal mula sa masa.
Siya ay tinawag ng iba't ibang pangalan -- kasama na rito ang 'Duterte Harry", na halatang may pagtukoy sa karakter ni Clint Eastwood, ang mahilig bumaril na pulis na "Dirty" Harry Callahan. Ang maimpluwensiyang Time magasin ay tinawag si Duterteng 'The Punisher".
Sa mga naninira sa kanya, si Duterte ay isang masamang tao at huwad na lider, subalit sa kanyang milyun-milyong tagasunod -- at taga-suporta, siya ang panginoon, ang tanging makapagliligtas ng Pilipinas sa pang-ekonomiya at panglipunang putik. Ang kanyang mga masugid na taga-suporta ay ipinagmamalaking tawag sa kanila ay:

Source: Facebook
At bago i-pursige ni Duterte ang kanyang plano na ikalat sa buong Pilipinas ang nagawa niya sa Davao, siya ay tanyag na makikilala sa mga wikang kanyang binigkas sa kampanya at pagkatapos ng halalan.
Narito ang unang sampu:
1. "Hindi ako tatakbo"
Ito ang pabagu-bagong sagot ni Duterte na nag-palito sa marami, kasama ang kanyang mga kakampi sa pulitika. Binago niya ang kanyang tugon nang maraming beses. Sinadya man o hindi para makabuo ng kontrobersiya -- siya at ang kanyang malalapit na kaibigan lamang ang tanging makakasagot sa ngayon.

Source: Asia CEO Forum, Abs-Cbn
2. "Change is Coming"
Hindi talaga nagmula sa kanyang bibig, at mas kinopya lamang sa panawagan ni Pangulong Barack Obama sa Amerika na nagpanalo sa kanya noong taong 2008, ang sigaw na ito ay ginamit ni Duterte sa buong kampanya.

Source: AAP
Tanging si Duterte lamang ang "Tunay na Pagbabago"
Ang social media ay binaha ng maraming biro sa temang "change is coming"
Ilan ang mga ito:

Source: Facebook
Ang totoo nga, pagkatapos ng halalan, "Exact change is coming," o "tamang sukli ang dapat" habang hinikayat ni Duterte ang mga tsuper ng dyip na magbigay ng tamang sukli, kundi...

Source: GMA News
3. "Dapat Mayor muna ang una"
Ang pahayag na iyon ang nagdala kay Duterte sa malaking isyu -- siya ay napatapat sa dalawang ambasador ng malapit na ka-alyado ng Pilipinas – ang Australya at Estados Unidos.
Ang pahayag ay nag-pa-inis sa ambasador ng Australya sa Pilipinas Amanda Gorely na naglagay sa twitter.

Source: Twitter
Ito ay tinuring na pakiki-alam sa Pilipinas. Tumugon naman si Dutere sa pagsabing, “Huwag maki-alam, pamahalaan ng Australya, huwag maki-alam”
Pagkatapos noon, ang tweet ni Gorely ay sinuportahan ng Ambasador ng Estados Unidos sa Pilipinas
Sinabi ni Philip Goldberg sa ulat, “ I can only agree with the colleague from the Australia Emabssy, “ Sumasang-ayon ako sa aking kasama mula sa embahada ng Australya".
4. Mga P.....I kayo and many other cuss words
" P.I. mo Pope, Umuwi ka na? "
Sa pormal na deklarasyon ng kandidatura sa pagka-pangulo ni Duterte bilang miyembro ng PDP-Laban noong ika-30 ng Nobyembre, binigkas niya ang mga mura laban sa makapangyraihan at karismatikong lider ng Simbahang Katoliko na si Pope Francis.
Subalit, pagkatapos niyang magalit ang maraming mga botante ng bansang katoliko, mabilis namang humingi ng paumanhin si Duterte at sinabing, ito ay “slip of the tongue” o di-sinasadyang pananalita, at ipinaliwanag niya na hindi niya minura ang Papa kundi ang mabigat na trapiko na nakasira sa kanyang appointment.
https://www.youtube.com/watch?v=_ITZmuwCKFk
Ilang linggo makalipas, ipinakita niya sa publiko ang isang sulat mula Vatican na nagsabing tinanggap ng papa ang paumanhin

Source: Sunstar/Christine Joice Cudis
Ganuun pa man, ang mga mura ay naging pangkaraniwan na lamang sa bibig ni Duterte sa kampanya –at walang naliligtas sa kanyang mapanirang dila.
Sa simula ng kampanya, pinangako ni Duterte na siya ay magbibigay ng isang libong piso sa Caritas Davao sa bawat pagmumura? Tinupad ba niya ang pangako? Magkano ba ang kikitain ng Simbahan?

Source: Facebook
5. "I will kill you, papatayin ko kayo"
Masama pa sa pagmumura, ang marahas na salita ni Duterte ay nakatuon sa mga kriminal – mga manggagahasa, drug lord, mga kurap na ipina-ngako niyang aalsiin.
Nangako si Duterte na kung mahalal, papatayin niya ang isang daang libong criminal, at ipinagmalaking , itatapon niya ang mga labi nito sa Manila Bay para malakihan ang mga isda?
Ipatutupad ba niya ang mapabirong pangako? Ngayong nahalal na siya, maraming taga-suporta ang umaasang huwag naman sana.
6. She's a drama queen.
Pagkatapos marinig ang salaysay ng panggagahasa sa kanyang sariling anak na babaeng si Sarah
https://www.youtube.com/watch?v=NCmjmkf-rr8
Ang ‘she” ay tumutukoy kay Sara. Ipinaliwanag ni Duterte, “Hindi siya magagahasa dahil palagi siyang may baril".
7. Bayot sila
Sa kainitan ng kampanya, inakusahan ng kandidato ng Partido Liberal Mar Roxas si Duterte ng mga di-magkakatotoong pangako na alisin ang kriminalidad sa unang anim na buwan ng termino ng pangulo.
Walang pakundangang binalikan ni Duterte si Roxas na isang “bayot”, na nangangahulugang “bakla” sa Cebuano, at kahit pa man ang termino ay palaging ginagamit sa kabisayan, ito ay di-sikat sa buong bansa.
Asahang gamitin ang terminong “bayot” na nangangahulugang malambot o mahina sa wika ng kalsada sa darating na panahon.
8. "Happy-happy"
Sa mga huling yugto ng kampanya nang lalong tinatanggap ng publiko si Duterte, ibang mga kandidato ay desperado nang ibaba siya, at kahit ang kandidato ng pagka-pangalawang pangulo Antontio "Sonny" Trillanes, na sumuporta sa kandidatura ni Grace Poe, bitbit ang mga dokumento at inakusahan si Duterte ng pagtanggap ng mga bribe at donasyon noong mga nakalipas na panahon
Kaagad at pabiro namang tinanggap ni Duterte ang akusasyon at sinabing nagastos na niya ang salapi para sa “happy-happy”
9. Matulog ka na Lang
Sa isang rali sa Ilo-ilo, inakusahan ni Pangulong Noynoy Aquino sa Duterte bilang “isang diktador”. Sa sumunod na gabi, at dahil nararamdaman na niya ang kanyang panalo, sumagot si Duterte, "Matulog ka na lang, tutal patapos ka na".

Source: Interaksyon

Source: Flickr