Habang halos lahat ng mga Australyano ay sumasang-ayon na ang pagtulog at pagpapahinga ay mahalaga para sa pangkalahatang kalusugan, karamihan ay nagreklamo na nahihirapan silang makatulog nang maayos.
Ayon sa pag-aaral mula sa 2019 Global Relaxation Report, marami pa rin sa mga Australyano ang hirap makatulog nang maayos lalo na sa panahon ng bakasyon.
Binigyang-diin ng sleep expert na si Dr Michael Breus ang kahalagahan ng mabuting pagtulog at nagbigay ng mga payo kung paano mas makatulog nang maayos.
1. Mag-set ng oras ng paggising tuwing umaga
Panatilihin ang iyong normal na oras ng pagtulog. Kung regular ang oras ng paggising mo sa umaga, makakasunod ka sa iyong biological clock at mapapadali ang iyong paggising sa umaga.

Iwasan mag-kape pagpatak ng alas dos ng hapon
Subukang iwasan ang pag-inom ng kape anim hanggang walong oras bago matulog upang mas makatulog sa tamang oras. Malaking epekto sa pagtulog kapag nasobrahan ka sa pag-inom ng kape.

Iwasan ang pag-inom ng alak tatlong oras bago matulog
Bagama't nagdudulot ng pagka-antok ang pag-inom ng alak, hindi ito nakakatulong sa iyong pagtulog. Sa halip, ito ay nagiging balakid para makatulog nang mahimbing. Makakaramdam ka din ng pagka-uhaw at mapapadalas ang pagpunta mo sa banyo na maaaring makakaantala sa iyong pagtulog sa gabi.

Mag-ehersisyo
Nakakatulong ang ehersisyo na i-reset ang iyong biological clock. Hindi naman kinakailangang tumakbo sa isang marathon, ayon kay Dr Breus. Ngunit mainam na sanayin ang katawan sa mabilis na paglalakad. Huwag mag-ehersisyo kung malapit ka na matulog upang hindi ito makaantala sa ritmo ng iyong pagtulog.

Uminom ng tubig at magpa-araw ng 15 minuto
Magpa-araw ng hanggan 15 minuto pagkagising. Ito ay nakakatulong na mag-regulate ng produksyon ng melatonin, isang sleep hormone. Ang iyong body clock (circadian rhythm) ay mas gagana nang maayos kapag mapapanatili mo ang isang regular na pattern.

BASAHIN DIN:
