Tatlong ministro, tumiwalag kay Turnbull, na magbibigay-daan sa bagong pamumuno sa ilalim ni Dutton

Sinabi ng mga senior government ministers na hindi na nila susuportahan ang pamumuno ni Turnbull.

Senior ministers Mitch Fifield, Mathias Cormann and Michaelia Cash say they no longer support the Malcolm Turnbull's leadership.

Senior ministers Mitch Fifield, Mathias Cormann and Michaelia Cash say they no longer support the Malcolm Turnbull's leadership. Source: SBS News

Nagpahayag ang mga ministro na sina Mathias Cormann, Michaelia Cash at Mitch Fifield na hindi na nila susuportahan ang Punong Ministro na si Malcolm Turnbull, na nagbibigay-daan upang makamit ni Peter Dutton ang pamumuno. 

"It's with great sadness and a heavy heart that we went to see the Prime Minister yesterday afternoon to advise him that in our judgement he no longer enjoyed the support of the majority of members in the Liberal Party party room," sinabi ni Senador Cormann sa media kamakailan. 

Kaninang umaga, kinausap ni Peter Dutton ang Punong Ministro para humiling ng isang panagalawang partyroom meeting para bumoto sa Liberal leadership. 

Naniniwala ang dating ministro ng Home Affairs na nasiguro na nya ang bilang para talunin si Malcolm Turnbull, matapos siyang matalo noong Martes.
"Earlier this morning I called the Prime Minister to advise him that it was my judgement that the majority of the party room no longer supported his leadership," sabi ni Mr Dutton sa media. 

"As such, I asked him to convene a meeting of the Liberal Party at which I would challenge for the leadership of the parliamentary Liberal Party."

Hindi niya nabanggit na pinaunlakan ng Punong Ministro ang kanyang hiling.
Peter Dutton believes he has the numbers to beat Malcolm Turnbull in a second leadership challenge.
Peter Dutton believes he has the numbers to beat Malcolm Turnbull in a second leadership challenge. Source: AAP
Batid ng SBS News na na hindi papayag ang Punong Ministro na magkaroon ng pagpupulong bago iharap sa kanya ang huling petisyon na pirmado ng nakararaming MP sa partido Liberal.
Nangako ang isang Nationals MP na magbibitiw ito sa gobyerno at lilipat sa crossbench kung magkakaroon na naman ng leadership spill, isang hakbang na maaaring magbanta sa one-seat majority ng Koalisyon sa Mababang Kapulungan. 

"The constant rotation of prime ministers by both the Labor Party and the Liberal party, I cannot condone," the Page MP said. 

Isa siya sa maraming MP na nagpahayag ng kanilang pagkabigo sa kasalukuyang leadership crisis na nagaganap sa Canberra.
Nationals Member for Page Kevin Hogan at the Nationals Federal Council at the Canberra Hyatt Hotel in Canberra, Saturday, August 18, 2018. (AAP Image/Mick Tsikas) NO ARCHIVING
Nationals MP Kevin Hogan says he'll move to the cross bench if there's another leadership spill. Source: AAP

Mas maraming pagbibitiw

Tinangkang pigilan ni Malcolm Turnbull ang mga pagbibitiw sa pwesto ng mga frontbenchers subalit mukhang hindi siya nagtagumpay. 

Nagbitiw rin sa pwesto si Assistant Minister James McGrath, na kilalang loyalista ni Turnbull, at pinilit niya ang Punong Ministro na tanggapin ang kanyang pagbibitiw. 

"Like Peter Dutton has said, we must do everything in our power to stop Bill Shorten ever becoming Prime Minister," sinabi ni Senator McGrath sa Facebook. 

Nagpupumilit din sila Michael Sukkar at Zed Seselja  na tanggapin ng Punong Ministro ang kanilang pagbibitiw, matapos nila  magdeklara ng suporta kay Peter Dutton.
Simula nang matalo siya sa leadership ballot, pinagsisikapan ni Mr Dutton na makakuha ng ekstrang pitong boto para matalo si Turnbull. 

Kalaunan noong Miyerkules, marami sa mga MP ang nagkumpirma na pumirma sila sa petisyon, habang ang isang MP ay nagsabi sa SBS News na sila ay tiwala na makukuha nila ang kinakailangang bilang. 

Subalit ang iba ay nagsabi na iilan lamang ang nakalap nilang pirma sa petisyon kagabi. 

"There's been rumours swirling," sabi ni NSW MP Trent Zimmerman sa ABC.

"You'd almost think there is almost a lot of fake Vladimir Putin news happening."

Ang mga senior ministers na sina Mathias Cormann, Michaelia Cash at Dan Tehan ay pinabulaanan ang tsismis na nagbitiw sila sa pwesto noong mIyerkules ng gabi.
Peter Dutton smiles during question time on Wednesday.
Peter Dutton smiles during question time on Wednesday. Source: AAP

Eligibility questions

Si Mr Dutton ay kasalukuyang kinekwestyon sa public funding na ibinigay para sa mga child care centres sa Brisbane, na maaaring maging hadlang sa kanyang pagupo sa parliamento. 

Nakasaad sa Seksyon 44 ng konstitusyon na ang sinumang mayroong d"irect or indirect pecuniary interest with the public service of the Commonwealth" ay ipinagbababawal sa parliamento-isa ito sa dahilan sa pagkaka-disqualify ni senador Bob Day noong 2017. 

Kompirmado na din na sinusubukan ng pamahalaan na humingi ng payo sa solicitor-general hinggil sa eligibility ni Dutton. 

Pinabulaanan naman ni Mr Dutton ang kampanya.
Mathias Cormann, Malcolm Turnbull, Scott Morrison.
Mathias Cormann, Malcolm Turnbull, Scott Morrison. Source: AAP

'Dirty tricks'

Sinabi ng dating punong ministro na si Tony Abbott na maaaring pinaglalaruan lamnag sila ni Turnbull tungkol sa kanyang leadership rival. 

"Whether these are dirty tricks from a Labor party which is desperate not to have Peter Dutton as its opponent, or whether this is just one last throw from a despairing incumbent, I just don't know," sinabi niya sa 2GB radio.

Nagpahaging naman si Mr Dutton sa Melbourne radio tungkol sa kanyang plano na maglunsad ng royal commission hinggil sa presyo ng kuryente at gasolina. 

Subalit ang plano nuya ba ibukod ang singil sa kuryente sa bahay ay umani ng batikos.

"That would be a budget blower, an absolute budget blower," sabi ni Treasurer Scott Morrison sa mga reporter sa Canberra.
Former prime minister Tony Abbott and former minister for Home Affairs Peter Dutton on the backbench.
Former prime minister Tony Abbott and former minister for Home Affairs Peter Dutton on the backbench. Source: AAP
Sinabi niya na mapagkakaitan ng $7.5 bilyon ang ang mga estado at mga teritoryo sa loob ng apat na taon. 

Sinabi ni Shadow Treasurer Chris Bowen na ang mungkahi ni Dutton ay magdudulot ng pagababawas sa badyet sa kalusugan at edukasyon.  

ALSO READ

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: SBS News

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand