Ang paninirahan sa isang bagongbansa tulad ng Australya ay mapaghamon at mahirap sa unang mga taon. Gayunpaman, ayon sa mga matagal ng migrante sa Australya na sina Rebecca Smedley at Melanie Nicodemus na parehong dumating sa bansa sa taong 1980s, ang pagiging positibo at aktibo sa komunidad ay makakatulong ng malaki. "If you can try to get out there and meet new people, be part of the scenery, do it. Don't just stay at home. Meet your neighbours," sabi ni Rebecca.
Limang payo ng paninirahan sa Australya mula sa mga matagal ng migrante
Mag-boluntaryo
Ang pagboboluntaryo ay isang mabuting paraan upang makakilala ng mga bagong tao at makabuo ng matatag na relasyon at isang mabuting opsyon para sa mga taong nais maging kabilang sa bagong komunidad. Ang mga posisyon sa pagboboluntaryo ay maaaring makita online o sa lokal na ad at mga posting o sa simpleng pagtatanong. Maghanap ng mga kapitbahay na organisasyon na interesado ka at ipakilala ang sarili at kung ano ang kayang ihandog.

Australian Multicultural Community Services is currently looking for a Filipino/Tagalog speaking Volunteer Visitor. Source: Getty Images
Maghanap ng mga kaibigan
Hindi madali ang makipagkilala kahit nasaan ka man, ngunit mahalaga na ikaw ay may buhay sosyal at mga kaibigang matatawagan kung kinakailangan upang maging komportable sa bagong bansa, Sa pamamagitan ng pagsali sa mga grupo, pag-boluntaryo sa iyong oras o pagiging miyembro sa mga club na interesado ka ay makaktulong na makabuo ng network ng mga kaibigan.

Stay in the loop and add these current Filipino slang words to your vocabulary. Source: Getty Images/XiXinXing
Mag-aral ng Aussie English
May sariling accent at slang ang mga Australyano. May iilang mga salita na dapat matutunan upang malagpasan ang araw araw na buhay. Bagaman ang Australya ay isang bansang nagsasalita ng Ingles, ang konting kaalaman sa mga salitang Aussie ay baka maglagay sayo sa mga nakakahiyang sitwasyon. Mahilig ang mga Australyanong paikliin ang mga salita sa bokabularyong Ingles kaya mas mabuting pag-aralan ang paraang Aussie.

Australian flag with pile of books isolated on white background Source: iStockphoto
Asahan ang mga di-inaasahan
Maaaring makaramdam ng mga sukdulang emosyon, tulad ng kasiyahan sa bagong kapaligiran o pagka-homesick at pagkabigo sa ibang aspeto ng iyong buhay. Habanag ang inisyal na antas ang pinakamahirap ( at mabilis na nagbabago) totoong makakaranas ka ng magkahalong emosyon sa mga parating na taon habang humaharap sa iba't-ibang hamon sa isang bagong kapaligiran. Ang benepisyo ay sa mga proseso ng pagbabago ikaw ay matuto habang dinidiskubre paano makibagay at lumago.

Learning how to manage anxiety takes time and practice, so it’s not helpful to wait until stress levels are at a peak before seeking help. Source: Getty Images
Kilalanin ang mga kapitbahay at humingi ng tulong
Bagaman makakahanap ng mga impormasyon na kailangan sa internet, mas mabuti pa rin lumabas at kilalanin ang mga kapitbahay. Ang paninirahan sa parehong kalye kasama ang ibang tao ay nangangahulugang makikilala mo sila ngunit ang maagang pagpapakilala ay maaring makakuha ng tulong mula sa mga kapitbahay habang hinahanap pa ang kinalalagyan. Maaaring naghahanap ng direksyon, nangangailangan ng rekomendasyon kung saan kakain o simpleng naghahanap ng makakausap . Ito din ay usang mabuting paraan upang makabuo ng isang grupo sa labas ng trabaho upang maintindihan ang bagong kultura.
BASAHIN DIN:

邻里可能是您家庭安全的关键 Source: Pixabay