Kasalukuyang idineklara ang total fire ban sa apat sa mga rehiyon sa NSW, kabilang ang Sydney, Newcastle at Wollonggong habang naghahanda ang estado para sa isang mainit na panahon.
Inaasahang tataas nang higit 35C ang temperatura sa ilang major east coast centres sa Biyernes.
Ang inaasahang mainit na panahon at pabugso-bugsong hangin ay naging dahilan para sa mga bumbero na ideklara ang kauna-unahang fire ban mula pa noong kalagitnaan ng Setyembre.

(File: AAP) Source: AAP
Kasalukuyang apektado ang Greater Sydney, Greater Hunter, Illawarra/Shoalhaven at ang Southern Ranges.
Nagbigay ng babala na "severe fire danger" sa Illawara at "very high danger" para sa ilang bahagi ng estado.
Canberra bushfire
Isang watch-and-act alert ang inisyu dahilan sa hindi maapulang bushfire sa timog-kanluran ng Canberra.
Sinisikap ng mga bumbero na maapula ang 54-hectare na bushfire sa Pierces Creek, 8km mula sa pinakamalapit na suburb.
Ayon sa mga awtoridad, ang sunog ay nagsimula bago mag-alas-sais ng gabi noong Huwebes at hindi pa ito nakokontrol habang patungo ito sa dakong timog-silangan.

A fire is burning out of control in southwest Canberra. Source: AAP