Travel exemption applications para sa mga magulang na nasa ibang bansa, binuksan na

Pwede nang simulan ng mga Australian citizen at permanent residents na mag-apply ng travel exemption para makapunta ng Australia ang mga magulang na nasa ibang bansa.

A sign is displayed inside the empty arrivals hall at the international airport in Sydney on 15 October, 2021.

A sign is displayed inside the empty arrivals hall at the international airport in Sydney on 15 October, 2021. Source: Getty

Ngayong Byernes, binuksan na ng Department of Home Affairs ang Travel Exemption Portal para makapag-apply ng exemption ang mga Australain citizen at resident para sa mga magulang na nasa ibang bansa. At simula Nobyembre 1, papayagan na silang makabyahe papuntang Australia.

Nangyari ito matapos ianunsyo ng Punong Ministro Scott Morrison na ituturing na ang mga magulang na “immediate family member”.

Batay sa mga nakaraang patakaran sa pagbyahe sa Australia ngayong may pandemya, papayagan lamang makapasok sa bansa ang mga itinuturing na “immediate family,” at hindi pa kasama noon ang mga magulang.

Ayon kay Minister for Home Affairs Karen Andrews, ito na ang pagkakataong magkakasamang muli ang magkakamag-anak na matagal na nawalay sa kanilang mahal sa buhay.

“For more than 18 months, many families with parents overseas have missed weddings, funerals, the birth of grandchildren, and other significant events. I thank these families for their patience and their sacrifice over this period,” ayon sa pahayag ni Ms Andrews.

“With today’s change, parents of Australian citizens and permanent residents can reunite in Australia; they can once more hold their grandchildren, and gather in-person to share life’s significant milestones."

Simula Nobyembre 1, ituturing na ang mga magulang bilang “immediate family member,” kasama sa kategoryang ito ang mga biological parents, adoptive, legal, step parent at parent-in-law.

Anu-ano ang mga kakailanganin sa pag-aapply

Kinakailang magbigay ng magulang ng katunayan na citizen o permanent resident ang anak nila (birth, adoption, marriage o family status certificates). Alamin ang iba pang alternatibong dokumento na pwedeng ibigay. 

Kailangan din ihanda ang pasaporte, visa at katunayan na nakakuha na sila ng bakuna para makabyahe papuntang Australia.

Paalala ng otoridad, kakailanganin pa rin sundin ang mga patakaran sa pagka-quarantine sa bawat estado at teritoryo.

 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand