Nanawagan si Theresa May sa wartime lider na si Winston Churchill at matatag na tali ng transatlantic habang sinalubong si Donald Trump Huwebes- ilang oras bago magsimula ang isang protesta sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanyang stratehiyang Brexit.
Sinalubong ang presidente at unang ginang Melania Trump sa isang black-tie dinner kasama ang mga lider ng negosyo sa Blenheim Palace, lugar ng kapanganakan ni Churchill, sabi ni May ang dalawang bansa ay may ' "most special of relationships has a long and proud history".

"Mr President, Sir Winston Churchill once said that 'to have the United States at our side was, to me, the greatest joy,'" sabi niya.
"Now, for the benefit of all our people, let us work together to build a more prosperous future," dagdag ni May pagkatapos tumawag ng isang free trade agreement sa US pagkatapos umalis ng Britanya sa European Union sa Marso.
Dumating si Trump sa marangyang seremonya ng reception kung saan ang mga bandang Scots, Irish at Welsh guards ay nagpatugtog bilang pagkilala sa kanya.
Gayunpaman, sinabi ng Labor lider na si Jeremy Corbyn, ang mga polisiya ng presidente ay naglalagay sa buhay ng milyong tao sa kapahamakan at pinuna si May sa kanyang mainit na pagtangggap.
"We are committed to dialogue, including of course with those we strongly disagree with, and in government, we would find a way to work with his administration while also standing up for our values," sabi niya ayon sa BBC News.
"But instead the Tories are rewarding President Trump with a red carpet welcome. We must show Trump and the Tories that we can and we will defeat the politics of division."
Nauna ng hindi pinansin ng convention-shredding na presidente ang mga diplomatikong detalye sa kanyang apat na araw na pagbisita- unang pagbisita simula ng nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsaway kay May habang ito ay naikibaka sa Brexit.
Sa isang press conference sa Brussels kasunod ng ATO summit bago lumipad sa London. Nagduda si Trump kung kaya ni May ihatid ang intensyon ng mga botanteng Briton kung sila ay susuporta sa pag-alis ng EU sa isang 2016 referendum.
"The people voted to break it up (Britain's ties with the EU)," sabi ni Trump.
"So I would imagine that's what they will do, but maybe they will take a little bit of a different route. I don't know (if) that is what they voted for," dagdag niya.
'They like me'
Nakatakdang iwasan ng presidente ang malaking protesta na nakaplano sa kontrobersyal na byahe kabilang ang pag-uusap kasama si May, tea kasama si Queen Elizabeth II at isang pribadong linggo sa Scotland.
Lumpaga siya sa Stansted Airport Huwebes ng hapon at hinatid ng helicopter sa Winfield House, tirahan ng mga Amerikanong diplomatiko sa London.
Sa isang welcoming garden party, ang kanta ng Beatles na "We can work it out"ay tumugtog sa background.
Kibit balikat si Trump sa mga organisadong demonstrasyon kung saan sa Biyernes ay mayroong higanteng hugis sanggol na lobo na kamukha ni Trump ang itatayo at nangangailangan ng pulis upang magpatakbo sa bong bansa.
They like me a lot in the UK," dagdag niya sa Brussels.
Ngunit 77 porsyento ng mga Briton ang hindi pabor kay Trump ayon sa isang poll ng YouGov na may 1,648 na respondents.
Daaan-daang taga-protesta na may placard ang nagtipon sa labas ng Winfield House at Blenhein Palace Huwebes ngunit ang mga ekstensibong cordons ay nagpalayao sa kanila kay Trump.
"He's fundamentally damaging the culture, the discourse, the rules, the laws," sabi ni Calah Singleton, isang 28-year-old na manunulat sa London.
Samantala naglabas ang Amnesty International ng isang 15-metro na banner sa Vauxhall bridge katapat ng US Embassy na nagsasabing si Trump ay isang "Human Rights Nightmare".
London Mayor Sadiq Khan, ang pumirma sa sinasabing "Trump Baby" blimp, ay dumepensa sa desisyon ng Huwebes, nakipagtalo na ang protesta ay hindi anti-American.
"But having a special relationship means that we expect the highest standards from each other, and it also means speaking out when we think the values we hold dear are under threat," sabi niya.

'Opportunity'
Sa kabila ng serye ng mga diplomatikong samaan ng loob sa pagitan ng Britanya at ni Trump, umaasa si May para sa isang mabilisang trade deal sa US pagkatapos umalis ng EU.
"It's an opportunity to reach a free trade agreement that creates jobs and growth here in the UK and right across the United States," sabi ni MAy sa mga bisita sa Blenheim Palace.
Dagdag niya "also an opportunity to tear down the bureaucratic barriers that frustrate business leaders on both sides of the Atlantic".
Ngunit sabi ng kampeyon sa Brexit na si Nigel Farage, isang kritiko sa planong Brexit ni May - promal na naglabas ng polisiyang papel, Huwebes- hinulaang mayroong "confrontation" sa pagbisita.
"The Americans can't believe, quite frankly, what a mess we're making of Brexit," sabi niya sa BBC.
Pinaulanan ni May ang mga pagbitiw sa kanyang Brexit at mga ministro ng panlabas kamakailan ngayong linggo patungkol sa mga panukala.

Dumating si Trump sa Britanya pagkatapos ng NATO summit sa Brussels kung saan siya ay nagtambak ng presyon sa mga ka-alyado na doblehin ang kanilang gastos sa depensa.
Nakatakdang umalis sa Linggo para sa mga usapin sa Helsinki sa susuond na araw kay Russian President Vladimir Putin kung saan ang gobyerno ay naakusahan na naglabas ng nakamamatay na nerve agent sa siydad ng Salisbury.
Malakas na itinanggi ng Russia ang habla.
Nakatakdang mananatili ng isang gabi sa Winfield House si Trump kung saan ang mga demonstrador ay magpapatugtog ng mga recording ng mga migranteng kabataan na hawak ng mg sentro ng detensyon sa Amerika.
Sa biyernes, magdadaos siya ng mga pag-uusap kasama si May na inaasahang nakapokus sa Brexit at Russia sa Chequers country na tirahan ng punong ministro at kasunod ang isang press conference.
Tutungo ng Windsor Castle para sa isang tea kasama ang reyna habang magdadaos ng demonstrasyon ang mga taga- protesta sa Lodndon.
Lilipad naman ito sa norte patungong Scotland kung saan siya mananatili ng pribado kasama ang anak na si Eric Trump. Ang pumanaw na ina ni Trump ay mula sa Scotland at siya ay may-ari ng dalawag luxury golf course dooon.
