Labing-dalawang Boomers pinangalanan na

Ang 12 manlalaro na magsususot ng damit ng Australian Boomers laban sa Pilipinas at Chinese Taipei sa ikalawang yugto ng FIBA World Cup qualifiers sa Melbourne ay pinangalanan na.

Official promo poster of the matches

Source: Basketball Australia

Pagkatapos ng dalawang panalo sa unang bintana, mape-perpek ng Boomers ang unang yugto kung sila ay mananalo sa dalawang susunod na laro bago maganap ang ikalawang bintana sa kalagitnaan ng taon na kung saan ang grupo ay tatawid sa ikalawang round.

Dalawang manlalaro lamang --Kevin Lisch at Jesse Wagstaff - ang nagmula sa koponan na naglaro sa huling qualifier ng FIBA World Cup noong Nobyembre.

“Continuity is important in the team, especially with the limited preparation time in the FIBA windows,”  pahayag ng head coack ng Boomers  Andrej Lemanis  sa Basketball Australia website

“We have discussed and debated the make-up of the final team as a staff over the past month and are pleased with the versatility in playing style that this particular team allows.

“We are fortunate to have such a depth of talent in the NBL from which to select.”

Ang koponan ay nagpahayag ng matas na respeto sa koponan ng Pilipinas Smart Gilas .

“The unique challenges that the Philippines present have definitely been part of the discussion and selection process,” sabi ni Lemanis.

“Basketball is the number one sport in the Philippines, they produce highly skilled players and play well together as a team.

“Our assistant coaches have spent a lot of time gaining an understanding of how they play and the specific talents of their playing group. We feel that we have selected a team that will enable us to negate some of their individual and team strengths as well as hopefully causing a few challenging match-ups for them.”

Ang mga  miyembro ng Boomers, na napili mula sa pitong koponan ng NBL ay sina:

Ang 208-cm sentro  Angus Brandt, na naglalaro para sa Perth Wildcats,  ay nag-aaverage ng 8.9 points per game (ppg)  ngayong NBL season.

Ang siyam na taong beterano ng NBL, 26 -na taong gulang na point guard Jason Cadee ng  Sydney Kings, ay nag-aaverage 10.3 ppg ngayong sison.

Ang 196-cm forward na  Mitch Creek of Adelaide 36ers ay nag-aaverage ng 14.3 ppg.

Ang shooting guard na Cameron Giddon ng  Cairns Taipan ay kumakatampat ng 2.9 assists per game (apg) and 12.3 ppg

Ang  12-taong beterano ng  NBL, Chris Goulding Melbourne United, ay kumakatampat ng 2.5 apg at13.7 ppg.

Ang 211-cm Matt Hodgson ng Adelaide 36ers  ay gumagawa ng  3.4 rebounds per game (rpg).

Ang Power forward na Nick Kay ng Illawarra Hawks ay umiiskor ng 11.1 ppg at 5.1 rpg.  Siya ang hinirang na 2016 NBL Rookie.

Ang power forward/sentro na Daniel Kickert na  Brisbane Bullets ay uma-average  ng 13.8 ppg at 4.5 rpg.  Siya ay naging bahagi ng Boomer noong 2006.

Si 188-cm Kevin Lisch ng Sydney Kings ay  umi-iskor ng 10.3 ppg at 2.8 apg.  Siya ang 2012 at 2016  NBL MVP awardee.

Sa ikatlong taon pa lamang sa NBL,  ang  190-cm shooting guard Mitch McCarron ng  Cairns Taipan ay gumagawa ng  6.7 rpg at 11.3 ppg. Siya ay naging  2015 NBA draftee.

Ang shooting guard 193-cm Nathan Sobey ng  Adelaide 36ers ay umiiskor ng 13 ppg.

Ang sampung taong beterano ng NBL, ang  203-cm power forward/centre Jesse Wagstaff ng  Perth Wildcats ay uma-average ng 9.1  ppg. Siya ay kabilang na sa Boomers mula pa noong 2010.

Pagkatapos ng kanilang FIBA World Cup qualifying games, si Daniel Kickert ay pang-lima sa Asian region para sa iskoring sa average na 18.5 points per game na may 75% shooting mula sa field  habang nasa top 15 siya sa  assist na 3.5 bawat laro.

Si Jason Cadee ay pang-apat sa assist sa average na 5.5 habang si Mitch Creek at Nick Kay  ay parehong nasa  top 15 na mayroong pito bawat laro.

“Our depth, being able to genuinely play 12-deep, is a distinct advantage,” pahayag ni  Lemanis.

“During the first window, we were able to sustain a level for the course of the game which ultimately allowed us to pull away from a very good Japanese team.”

Umaasa si Lemanis sa bentahe ng home court sa dalawang laro sa Margaret Court Arena, Melbourne.

Makakatapat ng  Boomers ang Pilipinas Smart Gilas sa ika-22 ng Pebrero at Chinese Taipei sa ika-25.

 

  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  


Share

Published

By Ronald Manila
Source: Basketball Australia

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand