News

Nasawi sa bagyong Tino, sumampa na sa 58; libo-libo ang apektado sa Pilipinas

Tumaas ang bilang ng mga nasawi sa Pilipinas dahil sa bagyong Tino (Kalmaegi), matapos nitong bayuhin ng malakas na ulan at pagbaha ang mga lugar sa gitnang bahagi ng bansa.

A person walks through destroyed and flooded streets

The Philippines, which is hit by an average of 20 tropical storms each year, is recovering from a run of disasters, including earthquakes and severe weather in recent months. Source: EPA / Juanito Espinos

Umabot na sa 58 ang bilang ng mga nasawi sa Pilipinas dahil sa Bagyong Tino (Kalmaegi) nitong Martes, ayon sa mga opisyal. Kabilang dito ang anim na sakay ng isang helicopter ng militar na bumagsak habang isinagawa ang isang humanitarian at disaster response mission sa gitna ng malakas na ulan at pagbaha na tumama sa gitnang bahagi ng bansa.

Ayon sa militar, bumagsak ang Huey helicopter sa Agusan del Sur sa Mindanao. Narekober ang mga labi ng anim na crew at patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Nangyari ang pagbagsak bago magtanghali, mga 270 kilometro mula sa isla ng Cebu na siyang pinakamatinding naapektuhan ng bagyo. Ayon sa mga lokal na opisyal, 39 katao ang nalunod o nasawi dahil sa bumagsak na mga debris, habang isang pagkasawi naman ang naiulat sa karatig na isla ng Bohol.
Coast Guard rescues residents trapped by floods
Photos and videos from the Philippine Red Cross show rescue workers wading through knee-deep floodwaters in Cebu City, using boats to reach stranded residents. Source: Getty / Anadolu

Sunod-sunod na sakuna

Ang Pilipinas, na karaniwang tinatamaan ng humigit-kumulang 20 bagyo kada taon, ay kasalukuyang bumabangon mula sa sunod-sunod na kalamidad gaya ng mga lindol at matitinding kondisyon ng panahon sa mga nagdaang buwan.

Noong Setyembre, tumama sa hilagang Luzon ang Bagyong Nando (Ragasa) na nagdulot ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan, dahilan upang ipasara ang mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan.

Bagaman humina na si Kalmaegi, na lokal na tinatawag na Tino, mula nang tumama ito sa kalupaan noong unang bahagi ng Martes, patuloy pa rin nitong binabayo ang bansa ng hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras at bugso na hanggang 165 kilometro kada oras habang tinatahak nito ang mga isla ng Visayas patungong hilagang Palawan at sa direksiyon ng South China Sea.
Libo-libong residente sa rehiyon ng Visayas, kabilang ang ilang bahagi ng katimugang Luzon at hilagang Mindanao, ang inilikas bago pa man tumama ang bagyo na nagpalubog ng mga bahay at nagdulot ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Cebu Provincial Information Officer Ainjeliz Orong, biglaang tumaas ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan mula sa tatlong unang naiulat sa araw na iyon, habang nagpapatuloy ang mga operasyon ng pagsagip at dumarating pa lamang ang mga bagong impormasyon.

Bagaman humupa na ang pagbaha sa Cebu City noong huling bahagi ng Martes, ayon sa ulat ng Reuters, marami pa ring lugar ang walang kuryente at pabugso-bugso pa rin ang serbisyo ng telekomunikasyon.

'Tumataas ang baha'

Kinumpirmang mga video na kumakalat sa social media ang nagpakita ng mga sasakyan at kalsadang lubog sa baha, at ilang mga kotse pa ang inanod ng rumaragasang tubig.

“Talagang kinabahan dahil habang tumatagal ang ulan, lalo pang tumataas ang baha,” ayon kay John Patajo, isang tagapaglinis ng bahay sa lugar.

“Nang tumaas na ang tubig, umakyat kami sa ikalawang palapag. Pero patuloy pa rin itong tumataas kaya napilitan kaming umakyat sa bubong,” dagdag pa niya.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa huling bahagi ng Miyerkules o maagang bahagi ng Huwebes.
Nauna nang nagbabala ang state weather agency na PAGASA hinggil sa mataas na panganib ng “mga storm surge na maaaring magdulot ng panganib sa buhay at matinding pinsala,” na posibleng umabot sa higit 3 metro ang taas sa mga baybaying dagat at mabababang lugar sa gitnang bahagi ng Pilipinas.

Nakaalerto na ang Vietnam

Inihayag ng pamahalaan ng Vietnam noong Martes na naghahanda ito sa pinakamalalang posibleng sitwasyon habang tinatanggap ang pagdating ng Bagyong Kalmaegi.

Ayon sa forecast, tatama ang bagyo sa mga gitnang rehiyon ng Vietnam sa Huwebes ng gabi. Ang mga lugar na ito ay nakaranas na ng malalakas na pagbaha na ikinamatay ng hindi bababa sa 40 katao at nag-iwan ng anim na nawawala sa nakaraang linggo.


For the latest from SBS News, download our app and subscribe to our newsletter.

Share

Published

Updated

Source: Reuters

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand