Para sa iba, ang pagtanda ay nakakatakot, para sa iba, ito ay isang maganda at masayang paglalakad. Ang byahe ay naka-depende sa iyong sariling pananaw sa buhay, iyong perspektibo at layunin.
Para sa isang grupo ng mga Pilipina, ang pagtanda ay simula lamang ng panibagong buhay. Naniniwala sila na ang buhay sa 60 ay hindi ang wakas ng lahat ngunit, isang simula ng mas masagana at produktibong buhay.
Baguhan lang ay isinagawa ng Unified Filipino Elderly Association ng Victoria ang kauna-unahang pagtatalaga ng opisyal. Bilang isang bagong grupo, minimithi nila ang pagbubuo ng mas maraming aktibidad sosyal para sa mga Pilipino at di- Pilipinong matatanda ng Victoria. "We have worthwhile causes for the elderly, not only the Filipinos but to all Australian elderly citizens," sabi ni Barbara Price ng UFEA.
Nakatay ang UFEA sa isang karaniwang layunin- ang tumulong at gumawa ng kabutihan para sa komunidad. " Our group wants to do something for the community, to partake to worthwhile causes for the seniors because we are seniors we know what the seniors need..The isolated and lonely seniors.. We want to bring them out of that loneliness," dagdag ni Barbara Price.

Source: Credits to Snapcat photography
Sa maikling panahon, UFEA nakabuo sila ng mga masayang aktibidad tulad ng karaoke nights, costume at dress up parties, linggo-linggong aktibidad ng kantahan at sayawan, regular na sesyon ng Tai chi kada Sabado upang suplementohan ang pisikal at pangkaisipang kalusugan ng mga matatanda at mga sesyon ng impormasyon upang edukahin ang mga matatanda ng mga paksang may mahalaga sa kanilang pangangailangan tulad ng mga will, probate, age care at iba pa. "We've done sessions on dental health, hygiene, diabetes sessions.. We are fully-booked for the whole year and next year," sabi ni Price.
Hindi lamang eksklusibo ang grupo para sa mga Pilipinong matatanda ngunit tinatanggap din nila ang ibang etnikong lahi sa asosasyon. "We have French, Italian, Chinese, Vietnamese. They see us every Saturday.. We meet at the Melalheuca hub and they want to participate," masayang sinabi ni Price.
Ang partisipasyon at kaalaman ng mga matatanda sa komunidad ay mas nakikita ngayon kumpara dati. Ibig sabihin mas marami ang nakikipag-ugnay sa komunidad. Gayunpaman, marami pa rin ang hindi lumalabas. Ayon kay Price, bagama't alam nilang may mga sosyal na aktibidad at sosyal na serbisyong makukuha, may malaking pangangailangan ng paghihikayat sa kanilang lumabas sa mga bahay at makipag-usap sa iba. "They need a push to come out of their sanctuary. Once they come out, they're okay."

Source: Credits: Snapcat Photography
Ang pagtanggal sa kanila mula sa sariling lugar o bansa ay nagdudulot ng pagkakalungkot at isolasyon. Habang normal ang makaramdam ng ganito, nais siguruhin ng UFEA sa bawat matanda na mayroong mga tao sa palibot na handang tumulong sa kanila sa gitna ng kanilang paghihirap. "Just to let them know there are always some Filipinos around you. You have an association, a network, who's always willing to be a part of your life."
Ang UFEA ay isang grupong nabuo lamang ng 2018 na nakatutok sa pagtulong na mataguyod ang mga aktibidad ng kulturang Pilipino at tulungan ang mga matatandang Pilipino. Binubuo ng grupo ang mga matatanda upang ipagdiwang ang pamanang Pilipino, itaguyod ang malusog na pamumuhay, hikayatin ang pag-aaral at pagbabahagi, magbigay ng suportang sosyal sa mga miyembro at magbuo ng mga palakasan at aliwan para sa mga tao ng Kingston at palibot nito at regular na nagkikita.

Source: Credits: Snapcat Photography
Itinataguyod nito ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng musika at sayaw.
Upang makipag-ugnayan tumungo sa Unified Filipino Elderly Association's website o UFEA's Facebook page.
SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.
BASAHIN DIN:
Share


