Ang National Disability Insurance Scheme (NDIS) ay isang pangunahing pagbabago kung paano binibigay ng gobyernong Australia ang suporta sa mga taong may kapansanan.
“The aim of the scheme is for people with a disability to live an ordinary life like any other citizen and a life where they’re part of the community,” sabi ni Matt Wright, NDIS Branch Manager ng Engagement and Inclusion.
Paano ba ito ginagawa?
Upang maging karapat-dapat, ikaw dapat ay 65 taong gulang pababa, kailangan mamamayan ng Australia o permanent visa holder at dapat ay mayroong permanente at makabuluhang kapansanan.
Kung sa tinign mo ikaw ay karapat-dapat, makipag-ugnayan sa NDIS sa pamamagitan ng kanilang website o tawagan sila sa 1800 800 110. Kung nais mong makipag-chat sa ibang wika maliban sa Ingles, maaaring kumuha ng tagapagsalin ng libre sa pamamagitan ng pagtawag muna sa Translating and Interpreting Service (TIS) sa numerong 13 14 50.
Ikaw ay dadaan sa isang assessment at kung makapasa sa mga requirements, ikaw ay tatawagan upang talakayin ang tungkol sa pondong suporta at indibidwal na plano. May boses ka sa pagpili ng kagamitan na kailangan mo at kung anong mga serbisyong tagapagtustos ang nais mo.
Komunidad CALD at NDIS
Sa kabila ng katotohanang halos 20% ng mga taong karapat-dapat ng NDIS ay mula sa culturally and linguistically diverse (CALD) backgrounds, lumalabas sa mga datos mula sa Council of Australia Governments na 7.2% lamang dito ang kasali sa NDIS.
“There would be a whole group of people who would be eligible to the NDIS, but who are getting nothing at the moment because they don't know about it or they're suspicious of it or they don't have the support to get into it," sabi ni Dwayne Cranfield, ang CEO ng National Ethnic Disability Alliance (NEDA) isang organisasyon na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga taong may kapansanang nagmula sa mga CALD background.
"Some of these processes are really quite difficult and if English is your second language and you're not proficient in it and you don't have the advocacy support that can help you through that process, these things are really difficult to get into.”
Si Georgia Zogalis ay ang program manager ng FutureAbility na tumutulong sa mga komunidad ng mga organisasyong multikultural at mga grupong komunidad na nagtatrabaho kasama ang NDIS.
![[Getty Images/GCShutter]](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/man_is_jogging_getty_images-gcshutter_1.jpg?imwidth=1280)
Source: [Getty Images/GCShutter]
Sabi niya maraming mga tao na tumatanggap ng disability pension ang nag-iisip na mawawala ito kung sila ay hihingi ng tulong NDIS, ngunit ito ay walang katotohanan: “It's important for CALD communities to know that the package that gets approved for their disability needs, the money that comes with the package, is in addition to the disability pension so if they're already receiving a disability pension, the NDIS will not stop that, they will get both. The pension is for day to day living and the NDIS package is to help them for their area of needs that relate to their disability. ”
Paghingi ng tulong sa pag-unawa ng NDIS
Maaaring ang NDIS ay mahirap ma-navigate lalo na kung hindi Ingles ang iyong unang wika. Ang NDIS ay mayroong mga resources na nakasalin sa iba't-ibang wika.
Maaari din maka-access ng libre sa isang tagapagsalin sa pamamagitan ng pagtawag sa TIS sa 13 14 50, itanong ang iyong wika at huminging iugnay sa NDIS.
Si Cathy Naing ay nag-aalaga ng kanyang 20 taong gulang na babaeng anak na si Laura na mayroong kapansanan sa pangkaisipan at Prader-Will Syndrome, isang bihirang genetic disorder. Habang sila naman ay masaya sa NDIS plan ni Laura ngayon, sinabi niyang hindi ito madali sa simula at nahirapan ito sa Ingles.
Kung pananhon na upang simulan ang plano sa NDIS, importante ayon kay Naing na magtanong nang magtanong hanggang maging malinaw na ang lahat sa iyo.
“People need to realise and be patient about the rollout of the NDIS and not to be scared to take that risk and doing self-management, plan management. And ask questions and make it simpler in your own language. Feel comfortable with the person who is interviewing you. Making sure, am I asking what I'm supposed to be asking? You know, you have the right to ask the right questions."
Simula ng inilabas ang NDIS, maraming mga pagpapabuti ang ginawa upang maabot ang mas maraming tao sa komunidad CALD.
![[Getty Images/Maskot]](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/living_with_a_disability_getty_images-maskot.jpg?imwidth=1280)
Source: [Getty Images/Maskot]
“We're working very hard with organisations representing CALD communities to ensure that our services are culturally sensitive and understand the needs of people from a CALD background. And to provide our information in as many languages and formats to make the scheme as easy as possible to access for people from a CALD background, ” sabi ni Matt Wright ng NDIS.