Ang kakulangan sa bayad ay nangyari sa paglakbay ng isang barkong may banyagang bandila sa tinatawag na Exclusive Economic Zone ng Australya sa pag-itan ng Enero at Hunyo, 2016 sa mga puerto ng Queensland, New South Wales at Victoria, ayon sa pahayag.
Sa nasabing biyahe, ang pinaka-maliit na sumasahod na triupulante ay tumanggap lamang ng $5 bawat oras.
Ang pinaka-malaking-halaga na nabawi para sa mga indibidwal na manggagawa ay $16,677.
Ang mga manggagawa ay tumanggap ng mga base salary na naaayon sa pangdaigdigang antas ng minimum na sahod
Subalt, dahil ang paglalakbay ay naisagawa sa karagatan ng Australya, dapat ang mga empleyado ay sinuwelduhan na naaayon sa katumbas na antas sa ilalim ng batas ng lugar patrabaho ng Australya.
Sa ilalim ng Seagoing Industry Award 2010 ng Australya, ang pinaka-mababang sahod ng ganuung manggagawa ay $17.29 bawat oras at $21.61 para sa overtime
Inimbestigahan ng Fair Work Ombudsman ang kaso pagkatapos makatanggap ng tip-off na ngsasabing ang mga tripulante ng barko ay hindi binayaran na ayon sa nararapat na award.
Ang operator ng barko, isang pangdaigdigang kumpanya na mayroong punong-himpilan sa labas ng Australya ay nagsabing hindi ito mulat sa mga obligasyon sa mga batas ng lugar patrabaho ng Australya dahil hindi pa ito dati nakakalakbay sa Exclusive Economic Zone ng Australya
Sinabi ni Fair Work Ombudsman Natalie James, ang minimm na antas ng pasahod ay nag-aaplay kahit kanino man na nagta-trabaho sa Australya at hindi ito maaring baguhin.
“Our online tools and resources can assist employers to determine their applicable Award, as well as classification and pay rates, allowances, overtime and penalty rates (ang aming mga kagmitan at kakayahan ay makakatulong sa mga nag-papatrabaho na ma-determina ang tamang sahood, pati na rin sa klasipikasyon at antas ng suweldo, allowance, overtime at penalty rates)," anya James sa pahayag.
Ang kumpanya ay naki-pag-tulungan sa mga inspektor, inayos ang kakulangan sa bayad at ipinakita ang kagustuhan na matuto at mabatid ang kanilang obligasyon sa Fair Work system.
Inisyu rin ang pormal na Letter of Caution, at nagbigay babala sa employer na anumang paglabag sa mga batas ng lugar pa-trabaho ng Australya ay maaring magtulak sa mga pagkilos, kasama na rito ang pagsampa ng kaso.
Ang mga employer, kasama ang mga pang-daigdigang negosyo na nag-eempleyo ng mga mga mangggawa sa Australya ay maaaring lumagda sa Fair Work Ombudsman’s My Account service para makatanggap ng regular na update sa kanilang email
Ang mga employer at mga empleyado na naghahanap ng payo ay maaaring tunghayan ang www.fairwork.gov.au o tawagan ang Fair Work Infoline sa 13 13 94. May libre serbisyo ng tagasalin sa 13 14 50.
