Walang rehistrong Duktor natagpuang nag-trabaho sa Melbourne

Kinontak ang mahigit 140 pasyente pagkatapos mabatid  ang isang di-rehistradong duktor na nagta-trabaho sa isang cosmetic clinic sa Victoria.

Tiningnan umano ni Phoebe Pacheco ang mga pasyente para sa mga konsultasyon bilang duktor at nagsagawa ng mga minor procedure sa Werribee Cosmetic Medicine  noong Enero 2013 at  Oktubre ng nakaraang taon.

Sinabi ng  Australian Health Practitioner Regulation Agency at ng  Victorian Health  Department kahapon si Pacheco ay hindi rehistrado bilang isang duktor sa Australya.

Sinulatan ang 145 pasyente na may record sa klinik

Si Pacheco ay humaharap sa multang hanggang $30,000 sa pag-panggap bilang isang duktor habang siya ay di-rehistrado.

Sinabi ni Acting Victorian Chief Health Officer Brett Sutton wala namang ebidensiya na nasaktan ang mga pasyente

Subalit sinabi niya, na sinumang kumonsulta kay Pacheco sa klinik o sa iba pang klinik ay kailangan kumonsulta sa iba pang GP bilang follow up

Sinabi sa AAP ni  Chris Robertson, AHPRA's executive strategy and policy director, natuklasan ng kanyang organisasyon ang kakulangan ng rehistrasyon habang ni-rerepaso ang klinik noong Setyembre

Kinumpiska ang mga rekord ng pasyente sa klinik  ng Victoria Police noong October.

Ayon sa profile ni Phoebe Pacheco sa LinkedIn, siya ay nag-trabaho bilang isang assistant ng duktor  sa Werribee Cosmetic Medicine mula Enero 2013.

Ayon din sa profile, siya ay nag-aral sa  University of Santo Tomas (UST) sa Pilipinas .

Ayon sa Website nito , sinabi ng Werribee Cosmetic Medicine, ito ay gumagawa ng  "laser treatments
for hair removal, skin rejuvenation, acne scars, tattoo removal by laser, fat cavitation ultrasound and a full range beauty therapy and skin treatments,  especially skin conditions."
  

 

 


Share

Published

Presented by Ronald Manila
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand