Sa halip na ipinagdiwang ang araw na ito sa pamamagitan ng mga bulaklak at tsokolate, ang mga kababaihang nagtataguyod at sumusuporta sa karapatan ng mga kababaihan sa Sydney ay nakiisa sa buong mundo sa kampanya ng One Billion Rising na naglalayong tapusin ang paglabag at pagsasamantala laban sa mga kababaihan.
Sa saliw ng awit na 'Break the Chain' at 'Isang Bilyong babae ang babangon', sila ay sumayaw sa Parramatta, Bankstown at Campsie sa patnubay ng Immigrant Kababaihan SpeakOut Association, Asian Women at Work Inc., Philippine Australian Community Services Inc., Migrante Australia at iba pang mga grupong taga-suporta.
Pagsayaw ng One Billion Rising sa Parramatta.
Pagsayaw ng One Billion Rising sa Bankstown.
Buong mensahe ng One Billion Rising
Mga larawan mula sa One Billion Rising sa Sydney.
Iba't ibang kultura nakiisa sa layunin na manindigan laban sa karahasan sa mga kababaihan
Nagpakita ng kanilang suporta sa kampanya ng One Billion Rising, pinayagan ng Bankstown train station ang mga kalahok na gawin ang kanilang pagsayaw sa bahagi ng South Terrace ng istasyon. Narito ang maikling pahayag ang mga opisyal ng istasyon.
Mensahe ng One Billion Rising sa wikang Tagalog
Nakiisa ang mga kababaihang Afghan sa ibang mga kababaihan mula sa buong mundo laban sa anumang karahasan at pagsasamantala sa mga kababaihan. Ang mensahe ng One Billion Rising sa wikang Dari.
Sumuporta din ang komunidad Sri Lankan sa kampanya ng One Billion Rising laban sa karasahan sa mga kababaihan.
Nanindigan din ang mga miyembro ng komunidad Tsino at Vietnamese laban sa karahasan sa mga kababaihan.