Muling magsisimula ang VIC licencing tests mula June 15

Magsisimulang muli ang learner permit at licence testing pati na rin ang drive tests nitong Lunes, Hunyo 15.

roadside eye testing

Picture for representational purpose only. Source: Getty Images

Highlights
  • Uunahin ang mga aplikante na may mga na-kanselang appointments dahil sa pandemic.
  • Dadagdagan ang staff at magkakaroon ng mga temporary licence testing sites upang bumilis ang proseso.
  • Nananatiling bukas ang VicRoads Customer Service Centres.
Magsisimulang muli ang learner permit at licence testing pati na rin ang drive tests nitong Lunes, Hunyo 15.

Napagdesisyunan ito base sa payo ng Chief Health Officer ng Victoria.

 

 

Ayon sa Minister for Roads, Road Safety and the TAC na si Jaala Pulford, “We know how important it is to have a driver’s licence, especially for young people who need it for work or study – and we’re now in a position to safely resume testing.”

Bibigyang prioridad ang mga appointments na na-kansela dahil sa mga restrictions na buhat ng COVID-19 pandemic.

Higit sa 200 na bagong staff at anim na temporary licence testing sites ang makakasiguro na ligtas at mabilis ang proseso.

Aayunin ang safety measures sa payo ng Chief Health Officer will be in place, gaya ng paglilinis ng mga kotse, disposable seat covers at proper comprehensive hygiene para sa mga aplikante, guro at testing officers.

Hinihikayat na huwag kumuha ng eksamen ang mga indibidwal na masama ang pakiramdam.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang vicroads.vic.gov.au/coronavirus

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

Share

Published

Updated


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand