Victoria, maaring maging "smoke-free" pagdating ng 2025

Dalawampu't limang Victorian health groups ang inaasahang maglulunsad ng isang plano sa Huwebes upang gawing "smoke-free" ang estado pagdating ng 2025.

A generic image of a man pictured lighting a cigarette

A man pictured lighting a cigarette Source: AAP

Ang estado ng Victoria ay maaaring maging "smoke-free" pagdating ng 2025 sa pamamagitan ng naiulat na plano na suportado ng 25 health groups. 

Higit sa dalawang dosenang mga pangunahing health groups sa Victoria ang naiulat na maglulunsad ng mga programa para sa mas mahigpit na anti-smoking laws at education programs. 

Pinangungunahan ng Vic Health ang kampanya na magkaroon ng mas mababa sa limang porsyento ng mga Victorian na araw-araw na naninigarilyo pagdating ng 2025. Ito ay suportado din ng Australian Medical Association at Cancer Council, ayon sa report ng News Corp Australia. 

Ang mga tobacco advertising at promotions ay ititigil at mas palalawigin ang mga TV education campaign na ipapalabas para sa mga kabataan habang ang mga batas na may kaugnayan sa paninigarilyo ay lalo pang hihigpitan sa ilalim ng panukala. 

"We think it is actually possible to get down to five per cent daily smoking by 2025 - that would virtually eliminate daily smoking," sinabi ni Quit Victoria director Dr Sarah White sa News Corp Australia.



Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Victoria, maaring maging "smoke-free" pagdating ng 2025 | SBS Filipino