Sa isang bagong hakbang tungo sa higit na pagiging malinaw, nakahanda na ang Kagawaran ng Imigrasyon na ilathala sa online ang panahon o takdang panahon ng pag-proseso ng mga global na aplikasyon para sa bisa at pagka-mamamayan.
Sa isang pahayag na inilabas ng Kagawaran, nag-aabiso sila na ang bagong inisyatiba na ito ay inilaan upang magbigay sa mga tao ng higit na makahulugang datos tungkol sa kanilang mga napiling bisa o aplikasyon ng pagkamamamayan.
Ayon sa pahayag, ang mga pinaka-bagong detalye ay makikita online mula ika-labing-tatlo ng Marso.
Ang takdang panahon ng pag-proseso ay ma-i-update ng buwanan upang sumalamin sa mga hawak na kaso at presyur ng pagpo-proseso. Ito ay iiral para sa karamihan ng mga visa subclass at mga uri ng aplikasyon ng pagkamamamayan.
Hindi nila partikular na inabiso kung ang mga impormasyon sa mga aplikasyon para paghahanap ng asylum ay makikita rin online, gayunpaman, kanilang ipinapayo na ang takdang panahon para sa ilang sub-class na sarado na para sa mga bagong papasok, o mga napunan na o naka-linya ay hindi ilalathala online.
Gaano katagal tatagal ang inyong aplikasyon?
Nag-abiso ang kagawaran na ang mga tankdang oras na kanilang ilalathala ay palatandaan lamang, kung saan ang bawat aplikasyon ay pagpa-pasyahan depende sa kaso nito. Ipinapayo nila may maraming kadahilanan na maaaring maging dahilan ng pagiging magkakaiba ng takdang panahon ng pag-proseso, kabilang ang:
• Kung kayo ba ay nakapagpasa ng kumpletong aplikasyon at isinama ninyo ang lahat ng kinakailangang pang-suportang mga dokumento
• Gaano kayo kabilis sa pagtugon sa mga hinihinging dagdag na mga impormasyon
• Gaano katagal ang gugugulin upang magsagawa ng mga kinakailangang pagsusuri
• Gaano katagal upang makatanggap ng mga dagdag na impormasyon mula sa mga panlabas na partido, partikular kaugnay ng kalusugan, pag-uugali, pambansang seguridad at kinakailangang katiyakan ng suporta (Assurance of Support)
• Bilang ng mayroong lugar o puwesto sa programa ng imigrasyon
• Pagtaas sa mga kinakailangan o demand at panahon na marami ang aplikasyon.