Isang malakas na lindol na may lakas na 6.8 magnitude ay yumanig sa baybayin ng isla ng Mindanao sa Pilipinas at sinabi ng Pacific Tsunami Warning Center may panganib ng mga malalaking alon hanggang sa layo ng Indonesia.
Sinabi ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology, ang lindol ay nangyari 57kilometro timog-kanluran ng Sarangani Sabado ng umaga.
Naramdaman ito sa halos kabuuan ng Mindanao, ang pinakamalaking isla sa timog ng arkipelago.
Walang agarang ulat ng pinsala o namatay.
Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Center maaaring kumalat ang mga mapapanganib na alon 300 kilometro malayo mula sa pinaka-sentro o epicentre.
Ngunit sinabi ni Renato Solidum, pinuno ng Philippines seismology agency, sa Reuters, walang inilabas na babala ng tsunami at hindi kailangang ilikas ang mga tao mula sa mga apektadong lugar.
Ngunit naglabas ang ahensya ng abiso sinasabi na maaaring asahan ng mga tao ang kaunting pagbaba sa antas ng tubig sa karagatan, malalaking alon at dapat na umiwas ang mga tao sa mga baybayin, dagdag ni Solidum.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa bahagi ng Pacific Ring of Fire at madalas na nakakaranas ng paglindol, naranasan ang ilan nitong buwan ng Marso sa pangunahing isla ng Luzon, na naramdaman sa kabiserang Maynila.
Naunang sinabi ng US Geological Survey na ang lindol ay nasukat na may lakas na 7.2 ngunit pinababa ito sa 6.8 magnitude.
