Mahigit sa 258,000 roadside alcohol breath tests diumano ay pineke ng opisyal ng pulis ng Victoria sa isang malinaw na pagtatangka na dayain ang productivity checks.
Isang malawakang audit ang inilunsad ng Professional Standards Command at mga statiticians nang mapag-alamang ang mga tests ay dinaya ng mga opisyal noong nakaraang taon.
Ang pandaraya ay ginagawa ng mga pulis sa pamamagitan ng paglalagay ng daliri sa straw entry hole o paghipan mismo sa straw.
"The investigation, which analysed over five years of data, 1500 preliminary breath test devices and more than 17.7 million tests, disappointingly found 258,463 PBTs or 1.5 per cent of all tests had been falsified," sabi ni Assistant Commissioner Russell Barrett.
"I had not heard of our members engaging in such a practice, we let ourselves down, we've let the community down. It stops now."
Magtatalaga ng external na imbestigasyon upang malaman kung bakit nangyari ang pandaraya.
"There could be a number of reasons but the main rationale I believe is to hide or highlight productivity," sabi ni Mr Barrett.
"Whatever reason our workforce may come up with, it isn't acceptable."
Ang pangunahing may kasalanan ay ang mga itinalagang general duties at highway patrol officers na may higit na kinakatawan ng mga rural na lugar.
Ang naturang gawain ay nalamang hindi ginagawa sa mga supervised drug at alcohol bus test sites at walang katibayan sa ngayon na nagsasabi upang magmungkahi ng pandaraya o anumang kriminalidad na nangyari, sinabi ni Mr Barrett.
Ang mga istatistiko ay kinailangang tumingin sa mga komplikadong algorithms habang isinaalangalang kung gaano katagal pinangangasiwaan ang isang test o ang mga sunod-sunod na tests.
Ang itatalagang imbestigador ay titignan din ang pinagbabatayan na mga isyu sa kultura at pag-uugali, pangangasiwa at pamamahala sa pagpapapasa ng mga pekeng tests, at mga pangyayari na maaaring mangailangan ng karagdagang imbestigasyon.
Ang Victoria Police ay nakikipagusap sa Independent Broad-based Anti-corruption Commission tungkol sa pagtuklas.
Source: AAP - SBS
Via SBS News
