Maliliit na bahagi ng tubig, nakakatulong makabawas sa panganib ng mga sakuna

Mga maliliit na bahagi ng tubig nakakatulong makabawas sa mga epekto ng sakuna (“Wetlands for Disaster Risk Reduction”) - ito ang tema sa taong ito para sa World Wetlands Day na ipinagdiriwang tuwing ikalawa ng Pebrero na nagmamarka ng araw na pinagtiba ang Ramsar Convention sa parehong araw noong taong 1971.

Wetlands

Mangroves Source: UNEP

Sa taong ito, layunin ng World Wetlands Day na itaas ang kamalayan at i-haylayt ang mga mahalagang papel ng mga malulusog na malilit na bahagi ng tubig na mabawasan ang mga epekto ng matitinding kondisyon ng panahon tulad ng mga baha, tagtuyot at mga bagyo sa mga komunidad, at sa pagtulong na magiging matatag.

Ang Ramsar Convention na kilala din bilang Convention on Wetlands ay isang pandaigdigang kasunduan para sa pangangalaga at sustinableng paggamit ng mga bahagi ng tubig o mga wetlands. Ipinangalan ito mula sa siyudad ng Ramsar sa Iran.

Ayon sa organisasyon ng World Wetlands Day, narito ang limang uri ng mga bahagi ng tubig na nakakatulong sa mundo upang makaya ang mga matitinding kondisyon ng panahon na ating nararanasan na sa kasalukuan.

1. Mga Bakawan
Wetlands
Mangroves (World Wetlands Day) Source: worldwetlandsday.org
Ang mga bakawan ay mga uri ng halaman na palumpong na tila maliliit na puno na kayang mabuhay sa tubig-alat, at nabubuhay o nakatanim sa mga mababaw, tropikal na baybaying tubig. Ang mga ugat nito ay nagbibigkis at pinapatibay ang lupa o buhangin sa tabing-pampang, at ang bawat isang kilometro ng taniman ng bakawan ay maaaring makabawas ng nasa 50-sentimetro ng pagtaas o pagdaluyong ng tubig na sanhi ng bagyo (storm surge), pinapahina ang epekto ng mga bagyo, hurricane at tsunami. Bawat ektarya ng bakawan at mga halaman sa tabing-baybayin ay nagkakahalaga ng hanggang $US15,161 bawat taon sa mga serbisyo kaugnay ng mga sakuna. Nag-iimbak din ng hanging carbon dioxide ang mga bakawan, tumutulong na labanan ang pagbabago ng klima (climate change).

2. Mga bahura (Coral reefs)
Wetlands
Corals (Le Xuan) Source: Le Xuan


Ang mga Coral reef ay solido o matigas na istraktua na matatagpuan sa mga mabababaw, na tropikal na bahagi ng tubig at nabubuo sa pamamagitan ng mga nabubuhay na kolonya ng mga maliliit na coral polyps. Tahanan para sa isang-kaapat ng lahat ng mga lamang-tubig, at nagbibigay ng pagkakakitaan sa industriya ng eco-turismo, ang mga coral reef ay nagsisilbi ding mga panangga ng mga malalaking alon sa mga baybayin. Ang proteksyong ito mula sa mga matinding kondisyon ng panahon ay nagkakahalaga ng hanggang US$33,556 (AU$44,395) bawat ektarya bawat taon. Tinatantsa din na ang paggastos ng isang-milyong dolyar Amerikano bawat taon para sa pagpapanumbalik ng magandang kalagayan ng mga bahua sa Folkestone Marine Park sa kanluran ng Barbados ay maaaring makapagbaba sa taunang mga pinsala ng bagyo doon ng nasa mahigit 26.4-milyong dolyar Australyano o US$20 million.

3. Mga ilog at mga bahagi ng tubig sa tabi nito na nabubuo dala ng mga baha (floodplain)
Wetlands
Rivers and floodplains (Livelihoods Fund) Source: Livelihoods Fund
Sa paglipas ng panahon, ang paikot-ikot na pagkurba o liko ng mga ilog at batis ay lumilikha ng malawak na mabuhangin o malupa na floodplain. Kung ang mga ito mananatiling buo - sa kanilang mga kaugnay aplaya, lawa at mga bana - maaaring magsilbi itong isang higanteng reservoir. Sa panahon ng biglaang pagbaha, maaari nilang maimbak o maikalat o mapaghiwalay ang mga tubig-baha sa loob ng isang malawak na lugar, babawasan nito ang pinsala mula sa agos ng tubig.

 

4. Inland deltas
Wetlands
Inland deltas (GlobWetland Africa) Source: GlobWetland Africa
Kaag ang mga ilog ay dumadaloy papasok sa isang malawak, patag na lawa o dagat-dagatan na napapalibutan ng lua, nang hindi napupunta sa karagatan, doon nabubuo ang mga tinatawag na inland delta. Sa mga lubos na tuyong lugar, ang mga pana-panahon na panahon ay matatag na natural na pang-sanggalang laban sa tagtuyot.

 

5. Mga Peatland
Wetlands
Peatlands (Maris Pam) Source: Maris Pam
Ang mga peatland ay mga lupain na puno ng tubig na naglalaman ng mga nabulok na halaman na may lalim na hanggang  metro na naipon na sa paglipas ng panahon.  Sakop nila ang tatlong-porsyento ng kabuuang ibabaw ng lupa ng mundo. 

Mga pangunahing kaalaman: ang mga peatland ay nag-iimbak ng mahigit dalawang beses ng ini-imbak na karbon ng lahat ng kagubatan sa mundo, kung kaya ay may mahalagang tungkulin sa pagbawas ng ilang epekto ng climate change.

Mga Wetland sa Australia

Ayon sa Department of Environment and Energy website, ang Australya sa kasalukuyan ay mayroong 65 na Ramsar wetland na sumasaklaw sa mahigit 8.3 milyong ektarya. Ang mga Ramsar wetland ay yaong kumakatawan, mga bihira at natatanging bahagi ng tubig, o mga mahahalaga para sa pangangalaga ng iba't ibang buhay na organismo. Ang mga ito ay kabilang sa Talaan ng Wetlands of International Importance na binuo sa ilalim ng Ramsar convention.

Anim na pinakamahusay na bahagi ng tubig (wetlands) sa Australia
Wetlands
Wetlands in Kakadu National Park, NT (Photo: David Hancock) Source: David Hancock


Sa 65 na wetland na matatagpuan sa Australia na nakatala sa Ramsar, itinangi ng Australian Geographic, ang anim na ito bilang pinakamahusay na lugar kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng ibon sa Australya.

1. The Coorong, and Lakes Alexandrina and Albert, (South Australia) 

Sa tag-init, iba't ibang uri ng mga ibong-tubig ang bumibisita sa 1405-metro kwadradong bahagi ng tubig. Ang mga Australian pelican, crested tern, fairy tern at ang rufous night heron ay umaasa dito para sa kanilang pagpaparami o panganganak.  Ang lugar ay 23 indibidwal na bahagi ng tubig at tahanan din para sa nanganganib ng mawala na southern bell frog.

2. Barmah Forest (Victoria)
Ang 28,500 ektarya na Barmah Forest wetland ay nagbibiga ng natural na pampigil o kontrol ng pagbaha sa Murray River. Sinusuportahan nito ang 13 komunidad ng mga halaman - kabilang ang napakalawak na river red gum sa Victoria – na nagbibigay ng mahalagang tirahan para katutubong uri ng paniki, mga ibong loro at possum.

3. Moulting Lagoon (Tasmania)
Ito ang estuaryo o bunganga sa gitnang silangang baybayin ng Tasmania, hilaga ng Great Oyster Bay, at tahanan para halos 10,000 itim na sisne (black swans). Ang pangalan nito ay nanggaling mula sa mga sisne na nakakahulog ng kanilang mga balahibo habang lumilipad, na naipon sa tabing-pampang.

4. Macquarie Marshes (New South Wales)

Ayon sa kaugalian, ito ay ginamit ng mga taong Wayilwan para sa mga seremonya at lugar para sa mga paglibing, ang mga marsh na ito, sa hilagang-kanlurang NSW, ay binubuo ng mga latian, laguna at mga lagusan ng mga nabuong bahagi ng tubig na gawa ng mga baha ng Macquarie River.


5. Mareeba Tropical Savanna and Wetland Reserve (Queensland)
Ang reserbang ito, na kilala din bilang Mareeba Wetlands, ay santuaryo para sa halos lahat ng mga tropikal na ibong-tubig ng Australya - hindi bababa sa 204 uri.  Binubuo iti ng 12 magkakadugtong na mga laguna, mga sapa at lagusan sa buong 2025 ektaryang reserba. Ang Pandanus Lagoon ang pinakamalaki at magandang lugar para sa mahilig manood sa mga ibon, naakit dito ang tanging tagak ng Australia - ang jabiru.

6. Kakadu National Park (North Territory)
Ang kagubatang ito sa dulong taas ng bansa ay marahil ang lugar kung saan makikita ang pinaka-maraming uri ng ibon sa Australya. Ang mga wetland ay matatagpuan sa buong pambansang parke. Sa mga tuyong panahon, mula Mayo hanggang Oktubre, kapag ang mga tubig kumokonti at nagiging mga billabong, nasa tatlong-milyong ibon-tubig ang nagtitipon dito, kabilang ang jabiru, egret, brolga at jacana na tila hugis suklay ang palong.

 

Pangangalaga sa mga bahagi ng tubig na napalibutan ng lupa (wetland)

Ang mga wetland ay umaalalay sa mga buhay. Ang mga malusog na bahagi ng tubig na napapalibutan ng lupa (wetland) a maaaing makabawas sa pinsala na dulot ng mga sakuna at ginagawang mas madali ang pagbawi ng normal na estado ng isang lugar. Gayunpaman, ang mga bahagi ng tubig na ito nasa nakaka-alarmang pagkawala; nasa 64 na porsyento ay naglaho mula noong taong 1900.

Paano natin sila maaalagaan?

Ang World Wetlands Day ay may ginawang gabay para ating mapangalagaan ang mga ito:

Para sa mga komunidad

• Alamin kung paano ginagamit o lubos na ginagamit ang mga bahagi ng tubig na ito sa inyong lugar - at kung sino ang mga nakadepende dito.  Paano pino-protektahan ng mga bahagi ng tubig na ito ang inyong lugar sa panahon ng matinding kondisyon ng panahon?

• Pagtibayin ang mga kasanayan o gawi upang matiyak ang pangmatagalang pagpapanatili ng mga lokal na wetland para sa lahat.  Kabilang sa mga hakbang ang pagkontrol sa mga ilegal na pangingisda at pagtatapon, mga patakaran na walang kukuning anuman sa lugar, magtakda ng mga limitasyon sa mga huhulihing isda at pamahalaan ang mga gawain depende sa kung anong panahon.

• Alisin ang mga basura mula mga bahagi ng tubig na ito, at alisin ang harang sa mga sapa at ilog.

Para sa mga mambabatas

Maaaring isama ng mga gobyerno ang mga wetland sa kanilang istratehiya para tugunan ang mga sakuna. Mga posibleng hakbang:

• Italaga ang mga wetland sa mga lugar na madalas bahain o bagyuhin bilang mga protektadong lugar.

• Muling buhayin ang mga napapabayaang wetland na nagsisilbi bilang mga pananggalang.

• Makipagtulungan sa mga lokal na mamamayan at mga grupo para sa pagtaguyod ng sustinableng pagsasaka, pangingisda at turismo.

• Pagtibayin ang mga patakaran sa iba't ibang sektor lalo na sa agrikultura at tubig upang makatulong na ma-protektahan ang mga wetland.

Para sa mga Indibidwal

• Bumuo o sumali sa mga paglilinis ng mga palibot at bahagi ng tubig.

• Maging isang tagapagtaguyod para sa mga mahahalagang bahagi ng tubig sa inyong lugar.

• Gumamit ng tubig ng mas matipid at iwasan ang mga nakakalasong produkto na napupunta sa mga bahagi ng tubig (wetland).

• Makibahagi sa mga pagkilos para sa pangangalaga at muling pagbuhay sa mga wetland.

Istratehiya para proteksyon ng mga baybayin para sa Tacloban, sa Pilipinas

Base sa datos ng World Wetlands Day, taong 2013, nang ang lungsod ng Tacloban sa Pilipinas ay pininsala ng bagyong Haiyan, ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa kasaysayan ng bansa.

Noong taong 2016, isang bagong plano para sa kapaligiran at naka-base sa mga imprasktraktura ang inihain, ipinapakita kung paano magiging “future-proof” at mapapangalaan ng lugar ang sarili nito laban sa mga sakuna. Iminungkahi ng Netherlands Enterprise Agency (RVO), ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at ng mga eksperto mula sa Deltares, Arcadis, Wetlands International, Red Cross, Rebel at Van Oord ang mga pinagsama-samang hakbang at mga binalangkas na paraan upang mapondohan ang mga ito:

• muling pagbuha sa mga bakawan at ibang ecosystem

• pagtukoy sa mga partikular na lugar malapit sa mga baybayin para sa imprastraktura na maaaring matatag sa mga kondisyon ng panahon at kapaligiran.

• pagbubuo ng kapasidad para sa mga komunidad at mga ahensya ng gobyerno


Share

Published

By Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand