Inanunsyo ng Radyo SBS ang paglulunsad ng SBS National Languages Competition 2018 na naglalayong hikayatin ang mga gustong mag-aral ng wika.
Sa ikatlong taon ng programa, ang kumpetisyon ay naglalayong hikayatin ang mga Australyano (anuman ang edad) na nagnanais na matuto ng bagong wika, kabilang ang Ingles, Filipino at wika ng Aboriginal and Torres Strait Islander.
Kinikilala ni SBS Director of Audio Language and Content, na si Mandi Wicks ang kahalagahan ng pagpapanatili ng wika at pag-aaral para sa lahat ng Australyano kabilang ang mas nakatatandang mag-aaral.
"We are encouraging everyone to get involved and look forward to receiving thousands of inspirational stories from across the country,” sabi niya.
Paano sumali:
Step 1: Bisitahin ang website: www.sbs.com.au/nlc18.
Step 2: I-click ang 'Upload Photo'
Step 3: I-upload ang inyong litrato o drawing na sumasagot sa katanungang:
'Ano ang magandang naidudulot ng pag-aaral ng wika?'
Step 4: Maglagay ng pahayag na naglalarawan sa litrato sa wikang iyong pinag-aaralan.
Step 5: Ipasa ang iyong entry.
Terms and conditions apply.
Maaaring sumali simula ika-15 ng Oktubre hanggang ika-18 ng Nobyembre 2018. Para makasali, bisitahin ang website na ito: sbs.com.au/nlc2018.
