Mayroong dalawang kategorya ng parent visa sa Australya, non-contributory at contributory. Ang pangunahing pagkakaiba ng dalawang klase ng visa ay ang gastos at paghihintay ng oras.
Simula 1 Hulyo mayroong dalawang pagbabago na makakaapekto sa mga aplikante ng mga parent visa.
Ang mga aplikasyong parent visa ay pinapadala na ngayon sa Perth
Simula ngayong Hulyo, lahat ng aplikasyon ng parent visa ay kailangan isumite direkta sa Perth Visa and Citizenship Office sa pamamagitan ng koreo.
“Because it’s gone to Perth, we have to make sure that it’s posted with an express or with a tracking number so that we know whether the department has received the documents or not,” paliwanag ni Kris Ahn, isang abogado at ahente ng migrasyon sa Crux Migration. “So, that’s really important to ensure that the department has received the application.”

Source: getty images
Ang bayarin ay tataas
Tumaas ang bayad ng aplikasyon ng halos dalawang porsyento sa simula ng buwan.
Ang mga magulang na nag-aplay ng sublclass 173 temporary contributory parent visa ay ngayon magbabayad ng $2,595 sa halip na $2,540.
Ang mga magulang na nag-aplay para sa subclass 143 permanent contributory parent visa, sublcass 884 temporary aged parent contributory visa at subclass 864 permanent aged parent contributory visa ay ngayon magbabayad ng $3,855, ito ay tumaas ng $85.
Mas matagal ang proseso ng parent visa
Pahaba ng pahaba ang oras ng proseso ng pagkuha ng parent visa. “Now, just last year, when we had a look at the Department’s estimated processing time, it used to state somewhere about 3 years, now it’s 4.5 years - this is for the contributory parent visa, and longer it processes, the parents obviously would age, and as the parents age their health may deteriorate which may affect their parent visa outcome,” sabi ni Ahn.
Ngayon na ang gobyerno ay naglaan lamang ng 1,500 non-contributory parent visa at 7,715 contributory parent visa sa 2017-18 migration programme, rekomenda ni Ahn na magbigay ng mas maraming impormasyon at dokumento ng posible upang hindi maapektuhana ang paghihintay.
Ang mga aplikasyon na may buong suportang ebidensiya ay mas mabilis ang pagproseso.

Source: Pixabay-belajatiraihanfahrizi CC0 Creative Commons
Walang pagbabago sa income threshold ng mga sponsors.. Sa ngayon
Sa inisyal na anunsyo, hindi dodoblehin ng gobyerno ang income threshold ng sponsor. Ngunit mungkahi ni Ahn, ang mga magulang na eligibleng mag-aplay ng visa ay gawin na sa lalong madaling panahon dahil maaaring higpitan ng gobyerno ang mga patakaran.
“The current government is putting red tapes on many different visas. The major changes have been regarding work visas, also, recently, the general skilled migration. The minimum points from 60 has increased to 65. Those changes tend to suggest that Immigration is going to make Australian migration a bit harder,” sabi niya.
Para sa mas maraming impormasyon tungkol sa parent visa, bisitahin ang Department of Home Affairs’ website.
Kung kailangan ng tulong sa iyong wika, makipag-ugnayan sa Translating and Interpreting Service tawagan sila sa 13 14 50.