Sinabi ng Registered migration agent na si Elaine Caguioa ng Seek Migration, ang mga pagbabago sa landas ng nursing ay magiging epektibo sa gitan ng 2019 ayon sa anunsyo ng Midwifery Board of Australia noong nakaraang taon.
Ano ang magbabago?
1. Mawawala na ang Bridging Program
Ayon kay Ms Caguioa, tatanggalin na ang Bridging Program at mapapalitan ng ibang klaseng assessment sa ikalawang bahagi ng taon.
2. Ang Bridging Program ay epektibo pa hanggang ipatupad ng NMBA at AHPRA ang mga pagbabago
Sa puntong ito, epektibo pa ang Bridging Program at nagbibigay pa sila ng mga referral para sa nasabing programa bagama’t halos lahat ng nagbibigay ng Bridging Program ay puno na at hindi na sila nagrenew ng kanilang mga akreditasyon.
Dagdag ni Ms Caguioa mayroong malaking bilang ng mga nurse ang nasa mahabang listahan upang kumuha ng Bridging Program at maraming mga pag-aalinlangan tungkol sa kung ano ang mangyayari sa kanila.
“Some Colleges think that they’re going to run some of the bridging programs as of March or April this year but come June onwards, the Nursing and Midwifery Board think that it will all change,” sabi niya.
Iaanunsyo ngayong taon ang mga petsa ng implementasyon.
3. Ang Bridging Program ay paplitan ng Outcomes Based Assessment
Sa dating proseso, ang mga registered nurse mula sa ibang bansa ay kailangang sumailalim sa isang tatlong buwang Bridging Program bago maging rehistradong nurse sa Australia at maka-aplay ng permanent residency. Ngunit sa pagbabago, ang mga nurse ay kukuha ng Outcomes Based Assessment sa halip na isang Bridging Program.
Ano ang Outcomes Based Assessment?
Dati ang tatlong buwang Bridging Program ay ginamit upang maghudyat sa puwang dahil ang Bachelor of Nursing sa Pilipinas ay hindi kapantay ng Bachelor of Nursing sa Australya. Gayunpaman, sa halip na isang tatlong buwang kurso, ngayon ang mga nurse ay kukuha na lamang ng eksam.
Sa ilalim ng OBA, susuriin ang mga nurse base sa bahagi ng cognitive at behavioural, at mga dating kwalipikasyon at karanasan.
Mga nursing pathway sa Australya
1. Bridging Program hanggang ang Outcomes Based Assessment ay naisatupad sa gitna ng 2019
Ang AHPRA, ahensiyang humahawak sa rehistrasyon ay nagbibigay pa rin ng mga referral para sa Bridging Program hanggang maisatupad ang mga pagbabago sa gitna ng 2019.
Sa ngayon, ang mga overseas nurse ay maaari pang kumuha ng Bridging Program ngunit may mataas na pila at ang iilang kolehiyo ay puno.
2. Mag-aral ng Bachelor's degree of Nursing sa Australya
Para sa mga kumuha ng Bachelor of Nursing sa Pilipinas ngunit di nagsanay bilang rehistradong nurse, maaaring kumuha ng Bachelor degree in Nursing sa Australya.
Makakakuha ng mga kredito ang mga estudyante para sa kanilang mga napag-aralan sa ibang bansa. Sa halip na kumuha ng 3-year Bachelor’s degree maari nila itong matapos sa loob ng isa at kalahating taon.
BASAHIN DIN:
READ MORE

Mula PH RN patungo AU RN