5 style hacks sa Tagsibol:
1. Piliin ang mga basics
Ang pinkamahalagang kasuotan ngayong panahon ay ang puting blouse at maong. Upang dagdagan ang istilo, magsuot ng bilog na straw bag at pares ng tassel earrings. Kung plano ang maikling paglalakad, gawing madali ang buhay sa pamamagitan ng pagsuot ng komportableng sneakers. Ang magandang kasuotan ay tiyak na magpapasaya at magpapagaan ng araw mo.
2. Ang Spring florals at itim na leather jacket ay isang klasik na kombinasyon

JCZC Photography Source: JCZC Photography
Magmukhang tugma ngunit understated sa pamamgitan ng mabulaklak na kasuotan pares ang isang itim na leather jacket. Hindi ka magkakamali sa itim na leather jacket dahil bagay ito sa kahit anumang kasuotan. Para naman sa floral, huwag matakot magdiskubre ng iba't ibang mga kulay. Subukan ang mga maliwanag na kulay tulad ng dilaw at lavender. Kung ikaw ay minimalist, huwag mag-alala pasok pa rin ang mga neutral na kulay.
3. Ang kaswal na ayos ay katumbas ng kaginhawahan

JCZC Photography Source: JCZC Photography
Kung nais panatilihin ang kaswal na ayos, okay lang. Ang ganitong istilo ay nakatutok sa komportable, hindi pormal at mas relaks na pananamit. Isuot ang paboritong maong, makulay na kamisa at mule loafers sa paa. Maaari din gumamit ng nude na handbag. Ito ay magsisiguradong mainit ka buong araw pero nasa tuktok pa rin ng Spring trends.
4. Ang puting damit ay mananatiling klasik sa kahit anumang panahon

JCZC Photography Source: JCZC Photography
Sa sikolohiya ng mga kulay ang puti ay kulay ng bagong simula. Sakto ito sa mga mainit na araw at pagbukadkad ng mga puno at bulaklak. Mayroong kasabihan na 'less is more' at ang puting damit ay isang patunay dito. Ang puting damit ay elegante. Upang bigyan ang tradisyunal preppy na damit ng mapaglarong twist, magsuot ng makulay na bag, malaking salamin at statement earrings.
5. Huwag matakot sumubok ng mga matingkad na kulay

JCZC Photography Source: JCZC Photography
Ang lavender at purple ay pasok ngayong panahon gayun din ang mga kulay na rapture rose, sky blue, light green, military green, milk white, chocolate brown, dilaw at tomato red. Para sa lahat na nais magmukhang sopistikado at sariwa, ito ay isang magandang ideya ng kasuotan. Magsuot ng mabulaklak na off shoulder o crop top at ipares sa isang palda. Ito ay isang magandang kasuotan para sa isang kaswal na paglabas o para sa isang pagtitipon ngayong Tagsibol. At kung magiging mahangin, takpan ng kulay pastel na coat.
Ang pananamit ay isang personal na kagustuhan. Ang iyong istilo ay isang ekspresyon ng sarili at kagustuhan. Laging tandaan na manatiling totoo. Habang ito ay panahon ng pamumulaklak, piliin ang feel good kaysa sa look good. Ngunit kung kuha mo ang dalawa, aba'y ikaw na!

JCZC Photography Source: JCZC Photography
BASAHIN DIN:
READ MORE

Pananamit ngayon