Mga dapat at hindi dapat gawin kapag may paghihigpit sa tubig sa inyong lugar

Narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin upang hindi ka magbayad ng multa.

Man washing car in garage on sunny day

With the restrictions in place, you can't wash vehicles with a hose that isn't fitted with a trigger nozzle. Source: Getty Images/Cavan Images

Simula ika-1 ng Hunyo, mahaharap sa stage one water restrictions ang mga residente ng Sydney. Ibig sabihin nito, kailangang limitahan ang paggamit ng tubig na gamit na inumin at pagdilig sa mga halaman. 

Para maka-iwas sa multa, narito ang ilan sa mga maaari mong gawin.

Pagdidilig ng mga halaman

Mother and daughter gardening in backyard
You can't water lawns and gardens between 10am and 4pm. Source: Tetra images RF


Maaari kang:

  • Gumamit ng watering can, timba o hose na mayroong trigger nozzle. Maaari ka lamang magdilig bago mag alas-10 ng umaga o pagkatapos ng alas-4 ng hapon
  • Magdilig gamit ang mga kagamitang may automated weather adjustment, rain sensor, o soil moisture sensor
  • Magdilig ng bagong turf isang linggo matapos ito ma-deliver at siguruhing sundin ang tagubilin ng pinagbilhan mo nito
Hindi maaaring:

  • Magdilig simula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon
  • Gumamit ng standard sprinklers at watering systems anumang oras
  • Iwanang bukas ang gripo o hose

Paglilinis ng sasakyan at gusali

Maaari kang:

  • Gumamit ng timba, o hose na may trigger nozzle o high-pressure equipment para linisin ang sasakyan, basurahan, bin wash bays, at mga mahahalagang safety components ng boat trailers
  • Mag-flush ng boat engines
Hindi maaaring:

  • Maglinis ng sasakyan at gusali gamit ang hose na walang trigger nozzle o high-pressure cleaning equipment
  • Iwanang bukas ang gripo o hose

Paglilinis ng paths at driveways

Garden sprinkler for irrigation plants with jets of water. Frozen motion
You can't use standard sprinklers. Source: iStockphoto


Maaari kang:

  • Mag-spot clean ng mga pathway at driveways. Pahihintulutan lamang ito kung makakaapekto sa health, safety o kung emergency, gamit ang hose na may trigger nozzle o high-pressure cleaning equipment
Hindi maaring:

  • Maglinis ng driveways at paved areas gamit ang standard hose
  • Iwanang bukas ang gripo o hose

Ano ang hindi kasama sa mga paghihigpit?

  • recycled water
  • grey water (from sinks, showers, washing machines, etc.)
  • rainwater
  • bore water
  • river water (license required)

Magkano ang multa sa di pagsunod?

Maaaring patawan ng $220 na multa ang isang indibidwal at $550 naman sa mga may negosyo. Naitalaga ang mga Sydney Water community officers para mag-isyu ng mga infringement notice sa mga hindi susunod sa mga patakaran. Mayroong 3-buwang grace period bago maipataw ang multa. 

 NB: Water restriction names and rules vary throughout Australia due to local requirements. For more info about water restrictions in your state, visit the Bureau of Metereology website.

Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand