Kung hindi ka nakapunta, narito ang ilang mga kaganapan.
Barbekyu, lechon, sisig, at halo-halo ang ilan sa mga dinayo ng mga tao
Naging abala mga kilalang restawran sa Melbourne sa paghahanda ng kanilang mga specialty. Sila ay naghanda ng barbekyu, lechon, sisig, adobo, chicken inasal, okoy, pancit bihon, and lugaw. Ilan sa mga lumahok sa food stall ay ang Cris BBQ, GJ’s Grill, Kabayan Restaurant, Kusina ni Lola, Lasang Pinoy, Reynoldos, Ria Cuisine, at Tiangge Asian Grocery.

People queued up to have a taste of their favourite grilled dishes. Source: SBS Filipino/Roda Masinag
Bilang karagdagan sa mga lokal na pagkain, mayroon ding mga pagkain para sa mahilig sa matatamis. Kabilang dito ang halo-halo, bibingka, puto bumbong, hopia at mga kakanin.
Live na musika at sayawan
Isa sa mga highlight ng pista ay ang live na kantahan at sayawan na inihatid nila Beloved Abe, Sebastian Gonzalez Lugo, Joey Santos, Erica Padilla, Urban Movement at Markuz.
Diskwento sa airline tiket
Nag-alok ng mga promo fares ang Philippine Tours para sa ating mga kababayang nagnanais umuwi o magbakasyon sa Pilipinas.
Photo Booth
Hindi kumpleto ang kapistahan kung walang photo booth. Pinilahan ng mga tao ang photo booth ng SBS Radio upang makakuha ng larawan kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

SBS Radio's Photo Booth at the Philippine Street Fiesta Source: SBS Filipino/Roda Masinag