"Hinog sa pilit": pagpilit sa anak na mag-mature agad

Isang dating psychologist sa Pilipinas at ngayo'y practitioner sa Australya, saad ni Jane Versoza na maaring napapabilis at napapaaga ang pag-mature ng mga bata ngayon.

Girls at a Slumber Party

It could be your fault your child is growing up too quickly. Source: Getty Images

“They know a lot – magaling sila. Marami nga silang alam compared to the adults,” saad ni Ms Versoza ukol sa modernong bata.
Psychologist Jane Versoza
Psychologist Jane Versoza shares that it might be your fault that your child is growing up too quickly. Source: Jane Versoza
Ngunit, ayon din sa kanya, nalilito siya pagdating sa modernong bata. Ito ay dahil kahit maraming alam ang mga bata ngayon ukol sa mundong ginagalawan nila, mukhang natigilan ang kanilang emotional maturity.
“Do they really grow fast, or did they never get a chance to grow up at all?”
Ayon kay Ms Versoza, laganap ang mga batang 'hinog sa pilit'. Ang ibig sabihin nito ay hindi pa handa ang mga batang harapin ang mga isyu at stressor na kinakaharap nila, ngunit, sapilitan silang nagiging "mature" dahil sa pagtulak ng kanilang magulang at pag-udyok ng social media.

Ang papel ng mga magulang

Mataas ang inaasahan ng mga magulang sa kanilang mga anak, at maari nilang tratuhin ang mga ito bilang 'mini-adults'. Dahil dito, nakukumpromiso ang kabataan ng mga bata upang matamo ang mga kagustuhan ng kanilang mga magulang.

Kapag sumusobra ang pagtulak ng mga magulang, maaring maging balisa ang mga bata. Ang pagkabalisa na ito ay maaring lumala at maging depresyon. Maaring maramdaman ng mga bata na hindi sila sapat sa mga mata ng kanilang mga magulang.
Depressed School boy
Are you pushing your child too hard and too soon? Source: Getty Images
Sa kabilang banda, maaring tingnan ng ibang mga bata ang pressure na ito bilang isang hamon. Maaring mag-resulta ito sa pagiging overly competitive nila sa kanilang pagtanda. Maaring mas maging pokus sila sa pagkapanalo kaysa sa kung anuman. Ayon kay Ms Versoza, hindi nila natututunan ang halaga ng pagbabahagi, ng kooperasyon, at respeto.

Saad ni Ms Versoza na pangkaraniwang ang pressure na ito sa pamilyang Pilipino.
“As Filipinos, di ba pag makuha natin yung positive regard natin from the family…kapag mataas yung expectations ng parents or carers, mataas din yung anxiety or pressure sa [mga bata].”
Ang papel ng social media

Kinakailangang makipagsapalaran ng mga bata ngayon sa katotohanan ng social media.

Saad ni Ms Versoza na ang pressure sa mga bata ngayon ay hindi na lamang nanggagaling mula sa pamilya at tahanan. Ayon sa kanya, malaki rin ang pressure ng mga bata mula sa mga nakikita nila online. Ang mga imaheng nahahanap nila online ay nagiging 'perceived need'. Natutulak silang pakawalan ang totoo nilang sarili upang matugunan ang mga imaheng nakikita nila sa social media.

Sabi niya na hindi pa kayang i-process ng mga kabataan ang kanilang pagkakaiba sa iba. Nagiging standard sa kanila ang mga imahe na nakikita nila online. Dahil sa socual media, kumukumporme sila sa mga ideyal na hindi sang-ayon sa kanilang edad, gaya ng mapukaw na pananamit at ang paglagay ng makapal na makeup.

“Meron tayong term ngayon di ba? Yung tweens. Child pa sila, pero they are acting like teenagers,” saad niya.

Ang solusyon

Ayon kay Ms Versoza, naguguluhan ang mga bata ngayon dahil kapag sila'y kumikilos ng parang bata, sinasabihan sila na kinakailangan nilang maging mature; ngunit, kapag mature ang kanilang pagkilos, sinasabihan sila na sila'y masyado pang bata.

Pagdating sa solusyon, o kahit na kompromiso, saad niya na kinakailangang tingnan ng mga magulang ang kanilang mga sarili. Suriin nila kung ano ang ginagawa nilang tama at kung ano ang ginagawa nilang mali pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
“Yung expectation natin from our children…is it our needs as parents or is it actually the needs of our children?”
Sa huli, malaking bahagi ng pagiging magulang ang quality time kasama ng kanilang mga anak. Mahalaga ang pagkakilala nila sa kanilang mga anak, sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga maaring makasakit sa kanila, at sa pagkakaroon ng malaking presensya sa kanilang mga buhay.

 

BASAHIN DIN
SUNDAN KAMI SA FACEBOOK SA SBS FILIPINO.


Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio
Presented by Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand