Lumipat si Melissa Carbonell Fullerton sa Australya mula sa Colombia sampung taon na ang nakaraan. Nanirahan siya sa siyudad ng Melbourne kung saan puno ng aksyon ng ilang taon bago magdesisiyon na lumipat sa Mornington Peninsula kasama ang asawa.
“I moved there because we wanted a sea change, basically. We wanted to be in an area that's a bit more relaxed and quiet and away from the hustle and bustle of the city,” sabi niya sabay ng pagdagdag na ang kagustuhang bumili ng bahay ay naging dahilan din ng desisyon.
Bakit lilipat sa rehiyonal na Australya?
Mayroong maraming dahilan upang lumipat sa rehiyonal na Australya, ngunit ang abot-kayang pabahay at paghahanap ng trabaho ang nasa taas ng listahan. Sa buong Australya, nangangailangan ng mas maraming manggagawa sa lalawigan.
Naniniwala ang CEO ng Settlement Council of Australia na si Nick Tebbey na ang pagtira sa rehiyonal na Australya ay nagpapaunlad sa komunidad. “The ability to get out of the city, to connect with the land, to go somewhere a bit slower-paced and a little bit more well-connected is attractive, particularly if they come from a location that was like that."
Gayunpaman ang serbisyo at imprastraktura ay maaaring isyu para sa mga taong kinokonsidera ang manirahan sa lalawigan.

Rathamile Radebe helps prepare floats on Peel Street during the Tamworth Country Music Festival Cavalcade on January 28, 2017. Source: Lisa Maree Williams/Getty Images
Minsan ang paglipat sa rehiyonal na Australya ay nangangahulugang hindi ka napapalibutan ng iyong komunidad at ng sariling wika ngunit hindi dapat ito ang maging kaso.
Sa buong bansa, nilikha ang mga programa upang makaakit ng mga migrante sa mga rehiyonal na lugar. Sa Mingoola, New South Wales, tumulong ang mga Aprikanong repugi pasiglahin ang tumatandang komunidad.
Sa Pyramid Hill, norte ng Bendigo, ang Pilipinong komunidad ay umuunlad; mayroon pang “People are so excited about how that has rejuvenated that community,” sabi ng Regional Australia Institute CEO na si Jack Archer.

Pyramid Hill, Victoria Source: Wikimedia/Mattinbgn (C.C. BY A 3.0)
Ang paglilipat
Hindi madali ang paglipat mula sa siyudad patungo sa lalawigan. “It was a shock at the beginning for me because I moved to Australia ten years ago and that was a big shock for me making friends and finding a job, etc,” sabi ni Carbonell Fullerton. “
“So moving to regional Victoria felt almost like migrating again. It was a bit hard to adjust to that again, but it wasn't as bad as I thought and it took me less time to get used to it. I had the language on my side now so it was easier for me to find a job and friends."
Maayos na siyang naninirahan ngayon sa Mornington Peninsula kung saan ang bahay ay malapit sa baybayin, may trabaho sa isang lokal na paghahardin at buntis sa kanyang sanggol.
Kung iniisip ang paglilipat, inirekomenda ni Archer at Tebbey na konsiderahin ang pananaliksik upang makahanap ng pinakamabuting lugar para sayo.
Makipag-ugnayan sa lokal na sentro ng migrante upang tingnan kung maaari ka nilang iugnay sa mga oportunidad sa rehiyonal na lugar. Kung nahanap na ang mga lugar na interesadong mapagliptan, kontakin ang lokal na council at tingnan kung mayroong migrant resource centre doon.
At bago gumawa ng anumang desisyon, suhistyon ni Archer na bisitahin muna ang lugar. “Make a bit of a shortlist, talk to people and their networks, then make contact with local organisations and take a trip out there and talk to some people,” sabi niya.

Rohingya refugee Kobir Ahmed working inside a grocery store. Source: ELIZABETH BAI/AFP/Getty Images
“I think you'll get a great response if you take the time to visit a community and talk to the locals and see what the opportunities might be. It's a really practical thing and like moving anywhere, it's better if you get a chance to have a look at the place and have a sense of what it might offer before you make the big decision to move."