Bakit nararanasan ang 'wild weather' sa Timog Silangang Asya

Habang patuloy ang insidente ng mga heat wave, bagyo at pagbaha na nakapinsala sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, inalam ng SBS News kung bakit nangyayari ang mga ito sa rehiyon.

A Filipino on a bike passes in a flooded street in Manila, Philippines

A report outlines the dramatic changes Asia-Pacific nations would face if climate change continues. (AAP) Source: AAP

Nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng Asya ang isang extreme weather na nagdulot ng nakamamatay na flash-flooding at landslide sa Vietnam, mapanirang bagyo sa Pilipinas at heat wave sa Japan.

Bagyo at malakas na hangin sa Shanghai

Mahigit sa 600 flights mula sa dalawang paliparan ng lungsod ang nakansela at ang mga high-speed rail services ay naapektuhan din, sinabi ng broadcaster ng estado na CCTV noong Linggo ng hapon.
Rains in Shaoxing city.
Rains in Shaoxing city. Source: AAP
Ang unang bagyo na tumama sa isla ng Chongming, 45 kilometro silangan ng lungsod, ay may dalang hangin na may lakas na 28 metro kada segundo, ayon sa National Meteorological Centre. 

Inilikas ang 190,000 katao na nasa mga baybayin na lugar noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng state news agency Xinhua.

Bagyo nagdulot ng malaking pinsala sa Vietnam

Ang bagyong Son Tinh ay nakapatay ng 20 katao, nag-iwan ng 16 na kataong nawawala at 14 na sugatan sa Vietnam, sabi ng rescue committee ng bansa.

Ang mga pagbaha na dulot ng malakas na ulan ay tumama sa hilagang bahagi ng Vietnam matapos mag-landfall ang bagyong Son Tinh sa mga lugar sa hilagang baybayin noong Huwebes, habang ang kabisera ng Hanoi ay binaha at binayo ng mga pag-ulan. 

Mahigit 5000 na kabahayan ang nasira, inagos, o lumubog, halos 82,000 na pananim ang nasira at halos 17,000 na mga hayop ang namatay, ayon sa report ng Vietnam National Committee for Search and Rescue noong Sabado.

Anim ang namatay sa mga pag-ulan sa Pilipinas

Hindi bababa sa anim na tao ang napatay sa landslide at iba pang aksidente sa Pilipinas kasunod ng isang linggong malakas na buhos ng ulan na dala ng tatlong bagyo na tumama sa bansa. 

Mahigit 12,000 katao ang pinilit na lumisan sa kanilang tahanan dahilan sa pagbaha, ayon sa Disaster Risk Management Council ng bansa.
A Filipino navigates through flooded streets in Las Pinas city, south of Manila, Philippines, 18 July 2018.
A Filipino navigates through flooded streets in Las Pinas city, south of Manila, Philippines, 18 July 2018. Source: AAP
Dalawang bata na may edad na tatlo at anim, ang napatay noong Linggo nang maganap ang landslide habang sila ay natutulog sa bayan ng Barbaza, mga 400 kilometro sa timog ng Maynila, sabi ng pulisya. 

Ang ina ng biktima ay nasugatan sa pagguho ng lupa. Noong Biyernes, dalawang magkapatid na lalaki, edad 11 at 12, ang napatay nang mabaon ang isang bahagi ng kanilang bahay sa makapal na masa ng lupa matapos ang insidente ng pagguho ng lupa sa bayan ng Agoo sa hilagang lalawigan ng La Union, sabi ng pulisya. 

Sa bayan ng Bontoc sa Mountain Province, isang 54-taong-gulang na babae ang namatay nang masagasaan siya ng isang van na tinamaan ng isang malaking bato nang magkaroon ng landslide noong Miyerkules. Isang 43-taong-gulang na lalaki ang natangay ng malakas na agos habang siya ay tumatawid ng ilog sa gitnang lalawigan ng Negros Oriental noong Hulyo 15.

Heat wave sa Japan

Isang heat wave ang patuloy na nararanasan sa Japan kung saan naitala ang pinakamataas na temperatura na 40C, habang nadadagdagan ang mga napinsala at na-report na mga namatay. 

Inireport ng public broadcaster NHK na hanggang Biyernes, marami pa ring isinugod sa ospital dahil sa mga sintomas na may kaugnayan sa heat stroke.

Ang bilang ng mga namatay ay umakyat na sa 30, matapos maireport ang karagdagang 10 na namatay na naiulat noong Huwebes. 

Ilang lugar sa sentro ng Japan ay nagtala ng napakataas na temperatura na 40C, sabi ng Japan Meteorological Agency. 

Noong Biyernes, umabot pa sa mas mataas ng konti sa 35C, habang inaasahan na magpapatuloy ang heat wave sa mga susunod na araw. 

Naireport ng Tokyo Fire Department na rumesponde ang rescue teams noong Huwebes sa mahigit 3000 emergency calls nang tumaas ang temperatura sa 40C at 317 katao ang sinugod sa ospital.

Bakit nararanasan ang "extreme weather"?

Sinabi ni University of Melbourne Associate Professor Todd Lane sa SBS News na ang "severe weather" ay may kaugnayan sa Madden-Julian Oscillation (JMO).

"This is a mass of cloudy air that essentially forms in the Indian Ocean and moves eastward through the Island regions of Indonesia, Malaysia and the Philippines and then moves into the Pacific Ocean," sabi ni Dr Lane sa SBS News.

"At the moment it is particularly active so there is a big mass of cloud linked to this Madden-Julian Oscillation event over the Philippines and over the Western Pacific region. So that's what is causing a lot of the storms in this region and even the tropical cyclones and storms that are moving off to the north to impact China and Japan."

Ang MJO ay isang regular na nagaganap na proseso at nauulit ito kada 30 hanggang 60 araw. Ang kasalakuyang kaganapan ng MJO ay malamang na mag-decay habang patungo ito sa Karagatang Pasipiko, ayon kay Dr Lane. 


Share

Published

Updated

By Riley Morgan
Presented by Roda Masinag
Source: SBS News

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand