Karayom sa loob ng mansanas, natagpuan ng isang babae

Kasalukuyang iniimbestigahan ng NSW Police ang reklamo ng isang babae na nakakita ng karayom sa loob ng mansanas na ibinebenta sa isang supermarket sa Sydney.

Needle in apple

Source: Pixabay

Nakakita umano ang isang ina ng karayom sa loob ng mansanas na kanyang nabili sa Woolworths supermarket sa Sydney. 

Naireport ng Seven Network noong Martes na may natagpuang karayom sa isang six-pack na Pink Lady apples na binili sa isang supermarket sa The Ponds. 

Ang ina na nakatira sa Kellyvillle ay nagsabing may natagpuan siyang karayom habang binabalatan niya ang mansanas na para sana sa kanyang mga anak na babae.

"I just thought wow this can't possibly be happening," sinabi niya sa Seven Network.

"Not in apples. I'd seen the news about the strawberries and I'd been vigilant about cutting those up for the girls but to see this in an apple ..."

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Woolworths sa AAP na "we're aware of the customer report and understand police are investigating."

"The details have been referred to the authorities leading the response to this matter and we'll consult with them on next steps," sinabi niya sa isang pahayag.

Iniimbestgahan na ng NSW Police ang pangyayari at nagasagawa ito ng press conference para talakayin ang usapin. 

Kamakailan ay may natagpuanng karayom sa mga strawberries sa Australya at dahil dito naganunsyo ang New Zealand na tanggalin ang mga Australian-grown fruit sa mga supermarket. 

Samantala nananatili pa rin ang babala na itapon o hiwain ang mga strawberry sa estado ng NSW, Victoria, Queensland, Tasmania at South Australia. 

ALSO READ

Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand