Itinigil na ng Woolworths ang paggamit ng pang-isang gamitang plastik na bag sa lahat ng mga tindahan nito.
Mula ngayong araw, kinakailangan ng magdala ng mga reusable na bag o bumili ng mga ito sa mga tindahan ng Woolworths, BWS, Metro at mga gasulinahan.
"This is a landmark day for us, not just as a business, but for our customers and communities, to help support a greener future for Australia," saad ni chief executive Brad Banducci noong Miyerkoles.
"We are proud to say that from now on, single-use plastic bags are gone from our stores, for good."
Sang-ayon si Mr Banducci na maaring manibago ang mga mamimili sa pagkawala ng mga plastik na bag.
"Putting 'reusable bags' at the top of your shopping list, keeping a couple in the car or leaving a post-it note on the fridge are some simple tricks that could work as a reminder," sabi niya.
Noong nakalipas na Hulyo, sumali ang Woolworths at Coles sa pag-udyok sa Australya na tigilan na ang paggamit ng natatapong plastik na bag. Sinabi nila na sa Hunyo 30, 2018, titigilan na nila ang pagbibigay ng mga ganitong plastik na bag sa mga parokyano nila.
Dinesisyunan ng Woolies, na nagbigay ng mahigit sa 3.2 na bilyong plastik na bag kada taon sa mga mamimili, na iurong ang deadline sa Hunyo 20.
Sinang-ayunan ng green groups ang pagbabawal ng mga plastik na bag ng Coles at Woolworths.
Ang mga pagbabawal na ganito na ginawa sa Britanya at Ireland ay nakatulong sa pagbabawas ng paggamit ng plastik na bag sa 85 na porsyento.
Inanunsyo din ng Woolworths at Coles and mga plano nilang bawasan ang bilang ng plastik na balot sa mga prutas at gulay bilang pagsagot sa mga hinaing ng mga mamimili.
Inuudyok ang mga mamimili na intindihin ang mga empleyado ng Woolworths ngayong Miyerkoles kung kailan maninibago rin sila sa bagong patakaran.
Inilunsad din ng retail employees union SDA ang "Don't Bag Retail Staff" na kampanya kaugnay ng pagbawal sa plastik na bag.
Saad ni SDA National Secretary Gerard Dwyer na nagkaroon ng malawakang panawagan ukol sa pagbabago at kinakailangang intindihin ng mga mamimili ang mga empleyado sa panahong ito.
"While we understand that some customers may be frustrated by this change, there is no excuse for abusive or violent behaviour towards retail staff," sabi ni Mr Dwyer.
"Retail workers should not have to bear the brunt of any abusive behaviour, just for following the new rules."
Paano mag-adjust sa mga pagbabago
Ayon kay National Plastic Bag Campaign co-founder Jon Dee, mayroon siyang mga tip ukol sa pag-aadjust sa mga pagbabago.
Ano ang pwede kong gamitin sa basurahan ko?
Maaring ilagay ang basura sa basurahan ng hindi gumagamit ng plastik. Siguraduhin lang na linisin ito.
Maaring ilagay ang mga pagkain at compostable na basura sa compost bin, at ang mga recyclables sa recycling bins.
Maaring ibalot sa diyaryo ang mga pagkain at compostable na basura bago ilagay ang mga ito sa basurahan kung ika'y nakatira sa flat.
Maaring ibalot din sa diyaryo ang mga nangangamoy na basura gaya ng balat ng hipon at ilagay sa freezer hanggang ito'y kolektahin ng basurero.
Maaring gamitin ang diyaryo bilang lining ng mga basurahan sa banyo.
What can dog owners use to clean up droppings?
Isang alternatibo ang mga bag ng tinapay na walang laman dahil gawa sila sa mas makapal na plastik.
What do I use to pack my supermarket shopping in?
Magdala ng reusable na bag kapag mamimili.
Sa mga unang linggo, iwan ang mga bag na ito sa harapang upuan ng kotse bilang paalala na kailangan silang dalhin sa tindahan.
Magbebenta ang Woolies at Coles ng reusable na bag sa kanilang mga tindahan sa halagang 15 sentimo.
Ang mga mamimili online ng Woolies ay maaring bumili ng reusable na plastik na bag sa halagang $1 bawat order o $3.50 para sa crate-to-bench na delivery sa bahay.
Libre naman ang crate-to-bench na delivery ng Coles, at 15 sentimo ang bawat reusable na bag nila.