Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Nilunsad ang pinaka-unang pagsusuri sa sekswal na panliligalig sa mga kompanya sa Australya

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa buong mundo, isang pagsusuri sa sekswal na panliligalig sa mga lugar ng trabaho ang nilunsad. Papangunahan ni Sex Discrimination Commissioner Kate Jenkins ang pagsusuring ito.

Kate Jenkins

Kate Jenkins will lead an inquiry into sexual harassment in the workplace. Source: AAP

Ayon kay Ms Jenkins, tinaguriang "huge step" ang pag-aaral na ito patungo sa pagsisiguro na ang sekswal na panliligalig ay hindi na kailanganing tiisin ng mga empleyado.

Pinili ng pamahalaang pederal si Ms Jenkins na mamuno ng pagsusuri sa sekswal na panliligalig sa trabaho bilang sagot sa malawakang paggalaw ng #MeToo movement sa mundo.

Saad niya, lumalaki ang pagnanais at realisasyon na hindi katatanggap-tanggap at maaring iwasan ang sekswal na panliligalig.

"We need to continue working to create a society where this kind of conduct is unthinkable, and where sexual harassment at work is not something people simply have to put up with," sabi niya noong Miyerkoles.

"I believe this national inquiry is a huge step in the right direction."

Susuriin ng pag-aaral ang mga kasalukuyang batas ukol sa sekswal na panliligalig pati na rin ang mga reklamong inihatid sa mga anti-discrimination agencies sa mga estado at mga teritoryo.

Ikokonsidera nito kung ano ang nag-uudyok sa panliligalig sa lugar ng trabaho, paggamit ng teknolohiya gaya ng social media, at mga kasalukuyang solusyon sa problemang ito.

Matutuunan din ng pansin kung ano ang pinansyal na resulta ng sekswal na panliligalig sa mga indibidwal at negosyo.

Ang bagong pagsusuri ay inilunsad habang naghahandang tapusin ng Australian Human Rights Commission ang pang-apat nitong national survey ukol sa sekswal na panliligalig sa lugar ng trabaho.

Ayon kay Ms Jenkins, pinapakita ng mga inisyal na indikasyon ng survey na malaki ang tinaas ng bilang ng sekswal na panliligalig sa 2012.

Saad ni Minister for Women Kelly O'Dwyer na dahil sa #MeToo movement natuunan ng pansin ang pagkalat at ang epekto ng sekswal ng panliligalig.

"No person should have to suffer sexual harassment at work, or in any other part of their lives," sabi niya.

"We already know that the personal and career consequences of workplace sexual harassment are very significant."

Tatakbo ng isang taon ang pagsusuri, at magbibigay ng $500,000 ang pamahalaang pederal dito. $900,000 ang kabuuan ng gastos ng pagsusuri.

 

PAKINGGAN DIN


2 min read

Published

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio

Source: AAP




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now