Hinihikayat ng World Health Organization (WHO) ang lahat ng bansa na dagdagan ang pakikialam na may pagtutok para maiwasan ang pagkahawa ng ketong. Isang masinsinan, isang hakbang na kasama ang lahat ay makakatulong na mapigilan ang libo-libong impeksyon bawat taon.
Ang sakit na ketong ay nakaapekto sa dagdag na 212,000 tao sa buong mundo noong taong 2015. Sa bilang na ito, 60% ay sa India. Ang iba pang bansa na mabigat na apektado nito ay Brazil at Indonesia. Sa mga bagong kaso, 8.9 na porsyento ay mga bata, at anim-punto-pitong porsyento ay makakakitaan ng mga pisikal na pinsala sa katawan.
Sa kabila na ito ay inalis sa buong mundo bilang isang problema sa pampublikong kalusugan noong taong 2000, nagpapatuloy ang sakit na ketong na sumira sa buhay ng mga indibidwal, at maka-apekto sa mga pamilya at komunidad. Bagaman ang mga kasalukuyang bilang ng mga kaso ay bahagi lamang ng naiulat isang dekada na ang nakalipas, ito ay hindi naman katanggap-tanggap, habang ang epektibong paggamot sa ketong - ang multidrug therapy, o MDT – ay lumabas o ginamit mula noong mga taon ng 1980, at maaaring ganap na makapagpagaling sa sakit na ketong.
Mga pinahusay na pagsisikap, mga panibagong pangako at isang ingklusibong paraan ay kinakailangan upang tapusin ang pagdami ng kaso ng ketong na nagpapatuloy na nakaka-apekto sa libo-libong taon bawat taon, karamihan sa mga reihyon sa timog-silangang Asya.
Sa website ng WHO, isang pahayag ni Dr Poonam Khetrapal Singh, WHO Regional Director para sa Timog-Silangang Asya, ang nakalathala, sinasabi na ang "Ang mga disabilidad ay hindi nangyayari sa isang buong gabi lamang, ngunit ito ay nangyayari matapos ang mahabang panahon nang hindi nasuri ang sakit. Ang maagang pagkatuklas ay susi upang maabot ang target, kasama ang pagdagdag ng pakikialam upang mapigilan ang pagkahawa ng ketong." ("Disabilities do not occur overnight, but happen after a prolonged period of undiagnosed disease. Early detection is key to achieve this target, alongside scaling up interventions to prevent leprosy transmission.” )
Inilabas ang mensahe ni Dr Khetrapal Singh bago ang paggunita ng World Leprosy Day sa taong ito na nakatuon na makamit na wala ng mga kapinsalaan sa mga bata na kaugnay ng sakit na ketong.
Ang World Leprosy Day ay isang oportunidad para sa panibagong komitment upang mawala sa sangkatauhan ang nakakapanghinang sakit sa lalong madaling panahon.
Share
